7:38am 9/9/2016
likha ni julius santiago angtonang
ewan ko kung nasaan ka na
na sandaling nakilala ka
sa bawat oras ay hanap hanap kita
gustong gusto na makita ka
sa oras ay nakatingin
na para bang gustong matapos na
inip na inip at naghihintay
na tumawag at makausap ka
tatawagin bang hangal
ang katulad kong nagmamahal
kausap ko ang maykapal
kung tayo ba kaya ay magtatagal
at sabi nang iba
ano ba ang meron siya
nagustuhan mo at bumabalik ka
kung bakit pumatol ka
korus:
at sakit namang sabihing
ako ay mali at kayo ang tama
sa pangyayaring aking nagawa
na hinusgahan ng taong madla
naririnig at bulong bulungan
aabot pa sa buong bayan
sayo ay nakatingin at pinagtatawanan
merong tahimik at bigla na lang kakantyawan
ako ay nadaan sa tukso
ito ay di ko ginusto
ito ay buhay ko
ano ang paki alam mo
kung sabihin mang nagkasala
ay wala na rin akong mapapala
nangyari na ito at
wala nang magagawa
gusto ko lang tikman ang buhay
na di ko pa nagagawa
kahit ito ay mali o masama
buhay ko ito at wala kayong magagawa
8:06am
likha ni julius santiago angtonang
origtagalog