Biyernes, Enero 17, 2014

ang nakaraan 1/17/2014 4:50pm to 6:35pm

patawarin mo sana
kung nasaktan man kita
kung ako ay umibig sa iba

alam mongvikaw lamang
tangi kong minamahal
magbalik ka na sa akin sinta

patawarin mo ang nagawa ko sa'yo
hindi ko sinasadyang gawin ito sa'yo
ito lang ang tanging paraan
para bumalik ka na
dahil kung lagi mong iisipin
(ang) bawat nakaraan

dapat mong subukan na kalimutan na

ang lahat ng ginawa ko
ay mali sa tingin mo
dahil nasaktan ko ang puso mo

bakit galit ka pa rin
kung di naaalala
may nagsabi ba sa'yo na iba pa

patawarin mo ang nagawa ko sa'yo
hindi ko sinasadyang gawin ito sa'yo
ito lang ang tanging paraan
para bumalik ka na
dahil kung lagi mong iisipin
(ang) bawat nakaraan

patawarin mo ang nagawa ko sa'yo
hindi ko sinasadyang saktan ko ang puso mo
ito lang ang tanging paraan
para kalimutan na
dahil kung lagi mong iisipin
(ang) bawat nakaraan

hindi na muling nagagalit pa

by:julius santiago ang






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento