Biyernes, Disyembre 21, 2012

isang pagsuyo



by julius angnang june 21,2012
kung ang nais na pag-ibig
tunay at dalisay
heto ako sa iyo
umiibig na tunay
mga bulaklak
ang sa iyo ay alay
malaman mo lamang
na mahal kita
halinat mamasyal
doon sa aplaya
masdan at magmasid
sa ganda ng kapaligiran
dampi ng hangin
at kulay ng luntian
tanggal ang iyong inip
iyong mararanasan







huni ng ibon
maririnig sa umaga
kapag iyong nakita
sasangay tatalon talon pa
o kay gandang pagmasdan
tulad mo sinta
halimuyak nang sampaguita
kapag naamoy na
kahalintulad mo hirang
kapag ikaw ay katabi na
o giliw
sabihin mo sana
salitang nais masambit
nang bawat nanambitan
kung may pagsinta rin
o kaibigan lamang
lumungkot man ang puso'y
napaligaya ka.

by:julius santiago ang

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento