Biyernes, Disyembre 21, 2012

pangarap


May isa akong pangarap
Pangarap na ibigin ka
Ngunit kahit anong gawin
Para sa akin ay kayhirap mong abutin
Sapagkat ako ay taga hanga mo lamang
Sa akin  nga ba ang taglay na kahinaan
Upang ikaw ay maabot at ibigin ka
Sapagkat ang alam ko lang ay tanawin
Ang iyong ganda at ningning
Taglay mong tagumpay lagi
At ito man ay maging sawi
Narito ako aking sinta
Lagi kitang nasa puso at isip
Na sana ay tayong dalawa
Pagmamahal  ngayon at kailanman
Ang tangi kong kailangan
Sa buhay kong ito
Ay ikaw
(Kahit na sa pangarap lamang)
Ikaw na sana
Pangarap ka,aking sinta…..
By: Julius Santiago Ang

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento