1/20/13 3:35pm
by:julius santiago ang
ang buhay mo at buhay ko ay magkaiba
pinagtagpo ng tadhana
ang isa ay salat ang isa ay may kaya
sa pag-ibig ay nagkaisa
ang buhay ay ganyan talaga
magkasama sa hirap at ginhawa
ang bukas ay hindi alam
kung saan pupunta
kailangan ang karamay sa problema
ang buhay natin ay
isang gulong ng palad
minsan ay nasa itaas
minsan ay nasa ibaba
may pinanganak na mayaman
may pinanganak na mahirap
ang buhay natin ay
isang gulong ng palad
ang buhay ay ganyan talaga
magkasama sa hirap at ginhawa
ang bukas ay hindi alam
kung saan pupunta
kailangan ang karamay sa problema
ang buhay natin ay
isang gulong ng palad
dalangin ko sa Maykapal
ang kapalarang sa atin ay ibinigay
patnubayan at ipagpasalamat
ang biyayang natatanggap
ang buhay natin ay
isang gulong ng palad
ang buhay ay ganyan talaga
magkasama sa hirap at ginhawa
bastat kasama ka habangbuhay,
ito ay walang kapantay
ang buhay natin ay
isang gulong ng palad
4:25pm 1/20/13
poem
by:julius santiago ang
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento