Sabado, Enero 19, 2013

kung iibigin mo


1/20/13 11:33am
By:Julius Santiago Ang
Bakit hindi subukang mahalin ako
Baka sakaling(sa akin) lumigaya ang puso mo
Huwag mag-aalala at huwag mangamba
Pwede mong iwan kapag ayaw mo na

hindi pipilitin na mahalin mo
Malayang masusunod tibok ng puso mo
Yan ang pag-ibig na alay sa iyo
Masaktan man ang puso ko
Ay kakayanin ko
koro:
"Yan ang pag-ibig na aking ibibigay
Dahil ang puso ko ay nagmamahal nang tunay
Kahit kailan sa iyo ay maghihintay
Bukas palad lagi ang aking mga kamay

Kung iibigin mo ang aking puso
Iingatan ko ang aking pagsuyo
Iingatan ko ang aking pagmamahal
Hanggang ang puso mo
Sa  akin ay magtagal"






Kung iibig man sa iba
Ay walang magagawa
Dahil hindi ko hawak
Ang puso mo sinta
Tanging alam ko lang
Ay mahalin ka
Handang  maghintay sa iyo
Kung masaktan ka

koro:

"Kung iibigin mo ang aking puso
Iingatan ko ang aking pagsuyo
Iingatan ko ang aking pagmamahal
Hanggang ang puso mo
Sa  akin ay magtagal


Yan ang pag-ibig na aking ibibigay
Dahil ang puso ko ay nagmamahal nang tunay
Kahit kailan sa iyo ay maghihintay
Bukas palad lagi ang aking mga kamay"



Hanggang ang puso mo
Sa akin ay ibigay………….

2:03pm ended poems
By:Julius Santiago Ang

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento