Biyernes, Agosto 13, 2021

konstituson ng pilipinas artikulo8 1987

 ang kagawaran ng panghukuman

seksiyon 1 Dapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataas taasang Hukuman at sa nakababang hukuman na maaring itatag ng batas. Saklaw ng kapangyarihangpanghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinasasangkutan  ng mga karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naayon sa batas  at pasyahan kung mayroon o walang naganap na malubhang pagsasamantala sa diskresyon  na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon  ng pang alin mang sangay o instrumentaliti ng pamahalaan 

seksiyon 2 Ang Kongreso  ay dapat na may kapangyarihang tumiyak  magtakda at mag ayaw ayaw ng hurisdiksyon ng ibat ibang hukuman datapwat hindi maaring alisan  ang kataas taasang hukuman  ng hurisdiksyon  sa mga usaping  inisaisa sa seksiyon 7 nito.Hindi dapat magpatibay ng anomang batas na nagbabagong tatag  sa mga hukuman  kung itoy magpapabuway sa kaseguruhan ng takdang panahon ng panunuklas  ng mga Kagawad nito

seksiyon 3 Dapat magtamasa ng pagsasarili sa pananalapi ang mga hukuman .Ang laang gugulin para sa mga hukuman  ay hindi maaaring bawasan  ng lehistura nang mahaba kaysa  sa halagang inilaan para sa nakaraang taon at pagkaraang magpatibay dapat ilabas ng kusa at regular

seksiyon 4 (1) Ang Kataas taasang hukuman ay dapat buuin ng isang Punong Mahistrado  at labing apat na Kasamang Mahistrado(17)regional(gov).Ito ay maaring magpasya sa en banc o sa diskresyon nito sa mga dibisyong binubuo ng tatlo,lima o pitong kagawad . Ang anomang bakante ay dapat punan sa loob ng siyamnapung araw simula sa pagsapit niyon

seksiyon 4 (2) Ang lahat ng mga usaping may kinalaman sa konstitusyonality ng anomang kasunduang bansa ,kasunduang international  o tagapagpaganap o batas na dapat dinggin ng kataas taasang hukuman en banc  at lahat ng iba pang mga usapin sa ilalim ng mga alintuntunin ng hukuman ay kinakailangan na marinig en banc kabilang ang mga may kinalaman sa konstitusyonaliti,paglalapat  o pagpapairal ng mga dekri ng Pangulo ,mga proklamasyon mga kautusan mga tagubilin mga ordinansa at iba pang mga regulasyon ay dapatpasyahan na may pagsang ayon  ang nakararaming mga kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon tungkol sa mga isyu sa usapin at bumoto roon 

seksiyon 4 (3) Ang mga kaso o bagay na dininig ng isang dibisyon  ay dapat pasyahan o lutasin nang may pag sang ayon ang nakararaming kagawad  na talagang nakibahagi  sa mga deliberasyon ng mga isyu sa usapin at bumoto roon at hindi kailanman nang walang pag sang ayon  ng tatlo man lamang  na gayong mga kagawad kapag hindi natamo ang kinakailangang bilang ang usapin ay dapat pasyahan  en banc . Sa pasubali  na ang anomang doktrina  o simulain ng batas na inilagda ng hukuman sa isang pasya na iginawad en banc o sa dibisyon ay hindi maaaring baguhin o baligtarin maliban sa pagpapasya en banc ng hukuman

seksiyon 5 Dapat magtaglay ang katastaasang hukuman ng mga sumusunod na kapangyarihan

1 gumamit ng originalna hurisdiksyon  sa mga usaping may kinalaman sa mga ambassador iba pang mga minister pambayan at mga konsul at samga petisyon para sa certiorari,prohibition mandamus quo warranto at habeas corpus

2Rebyuhin rebisahin baligtarin baguhin o patibayan sapaghahabol  o certiorari ayon sa maaaring itadhana ng batas  o ng mga alituntunin ng hukuman ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakababang hukuman sa:

a  lahat ng mga usapin  na ang konstitusyonaliti o baliditi  ng anomang kasunduan batas  kasunduang international  o tagapagpaganap  batas dekri ng pangulo ordinansa kautusang tagapagpaganap proklamasyon o regulasyon ay pinagtatalunan

b lahat ng mga usapin na kinasasangkutan   ng legalidad ng anomang buwis singil tasasyon  o tol o anomang parusang ipapataw kaugnayniyon

c lahat ng mga usapin na ang saklaw ng alinmang nakababang hukuman ay pinagtatalunan

d lahat ng mga usaping krimenal  na ang parusang pagpataw ay reclusion perpetua o higit pa

e  lahat ng mga usapin na pagkakamali o suliranin sa batas lamang ang nasasangkot

3 Magtalagang pansamantala ng mga hukom ng mga nakababang hukuman sa ibang himpilan ayon s maaaring kailanganin  ng kapakanang pambayan ,Ang gayong pansamantalang pagtatalaga ay hindi dapat lumampas  sa anim na buwan nang walang pag sang ayon ang kinauukulang hukom

4  I atas ang pagbabago ng benyu o lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagkabigo ng pagpapairal ng katarungan

5 maglagda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga  at pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyonal  pleading praktis at pamamaraan sa lahat ng mga hkuman,pagtanggap sa praktis  bilang abogado integraded bar  at tulong na pambatas sa mga kapuspalad .ang gayong mga alituntunin ay dapat magtakda ng payak at di magastos na pamamaraan sa mabilis na pagpapasya sa mga usapin maging magkakatulad sa lahat ng hukuman na magkakaantas  at hindimagbabawas magdaragdag o magbabago ng mga karapatang makabuluhan .Ang mga alituntunin ng mga pamamaraan ng mga tanging hukuman atmga kalupunan na mala panghukuman  ay dapat manatiling maybisa hanggat hindi pinawawalang saysay  ng kataas taasang hukuman

6 humirang ng lahat ng mga pinuno at mgakawani ng mga hukuman ayon sa batas ng serbisyo sibil

seksiyon 6 Ang kataas taasang hukuman ay dapat magtaglay ng superbisyong pangpangasiwaan sa lahat ng mga hukuman at sa mga tauhan niyon

seksiyon 7 (1) hindi dapat na mahirang na kagawad ng katas taasang hukuman o ng alinmang nakababang hukuman kolehyado ang anomang tao matangi kung siya ay katutubong inaanak na mamamayan ng Pilipinas .Ang isang kagawad ng katas taasang hukuman ay kinakailangan apatnapung taon man lamang na gulang at kinakailangan sa loob  ng labinlimang taon  o higt pa ay may naging hukom na isang nakababang hukuman o nagpraktis bilang abagado ng Pilipinas

seksiyon 7 (2) Dapat magtakda ang Kongreso ng mga katangian ng mga hukom ng mga nakababanghukuman ngunit hindi maaring mahirang na hukom ang sinomang tao matangi kung siya ay isang mamamayan ng Pilipinas at kabilang sa Phlippine Bar 

seksiyon 7 (3) Ang isang kagawad ng hukuman ay kinakailangang nag aangkin ng subok na kakayahan kalinisang budhi katapatan at malayang pag iisip

seksiyon 8 (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang Judicialand Bar Council sa pangangasiwa ng Kataas taasang hukuman na binubuo ng Punong Mahistrado bilang Tagapangulo ex officio ng Minister ng Katarungan at ng isang kinatawan ng Kongreso bilang mga kagawad ex officio  ng isang kinatawan ng integrated bar  ng isang propesor  ng batas  ng isang retiradong kagawad ng Kataas taasang Hukuman  at ng isang kinatawan ng pribadong sektor

seksiyon 8 (2) Dapat hirangin ng Pangulo angmga regular na kagawad ng Council para sa taning na panahon ng panunungkulan na apat na taon nang may pagsang ayon  ng Komisyon sa Paghirang . Sa mga kagawad na unang hinirang  ang kinatawan ng Integrated Bar ay dapat manungkulan sa loob ng apat na taon  ang propessor ng batas  sa loob ng talong taon ang retiradong mahistrado sa loob ng dalawang taon at ang kinatawan ng pribadong sektor sa loob ng isang taon COMMISSION ON APPOINTMENT

seksiyon 8 (1)   Ang Klerk ng Kataas taasang Hukuman   ay dapat maging Kalihim sa ex officio ng Council at dapat mag ingat ng katitikan ng mga pulong nito

seksiyon 8 (4)Ang mga regular na Kagawad ng Council ay dapat tumanggap ng mga pabuya  na maaaring itakda ng kataas taasang hukuman  ang kataas taasang hukuman ay dapat maglaan sa taunang badyet nito na laang gugulin para sa Council

seksiyon 8 (5) Ang Council ay dapat magtaglay ng pangunahing tungkulin ng mga hihirangin sa mga hukuman . Ito ay maaring gumanap ng iba pang mga gawain at tungkulin na maaaring iatas ng kataas taasang hukuman

seksiyon 9 Dapat hirangin ng Pangulo ang mga Kagawad ng kataas taasang hukuman at ang mga hukom ng mga nakababang hukuman mula sa isang talaan ng tatlong nomini man lamang na inihanda ng isang Judicial and Bar Council para sa bawat bakante .Hindi na kinakailangan ang kumpirmasyon  sa mga naturang mga paghirang 

Para sa nakababang hukuman dapat ipalabas ng Pangulo ang mga paghirang sa loob ng siyamnapung araw mula sa paghaharap ng mga talaan 

seksiyon 10 Ang suweldo ng Punong Mahistrado at ng mga kamang mahistrado  ng katas taasang hukuman  at ng mga hukum ng mga nakababang hukuman ay dapat itakda ng batas hindi dapat bawasan ang kanilang mga sweldo sa panahon ng kanilang panunungkulan

seksiyon 11 Dapat manungkulan ang mga kagawad ng kataas taasang hukuman at ng mga hukom ng mga nakababang hukuman habang maganda ang kanilang kaasalan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpong taon  o mawalan ng kakayahang  magsagawa ng mga tungkulin ng kanilang katungkulan .Dapat magtaglay ang kataas taasang hukuman en banc  ng kapangyarihang disiplinahin ang mga hukom ng mga nakakababang hukuman  o lakas ang kanilang pagkatiwalag sa pamamagitan ng boto ng nakararami at ng isa pang Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon  ng mga isyu sa usapin at bumoto noon 

seksiyon 12 Angmga Kagawad ng kataas taasang hukuman at ng iba pang mga hukumang itinatag ng batas ay hindi dapat italaga sa alinmang tanggapan ng mga gawaing panghukuman o pampangasiwaan

seksiyon 13 Ang mga pagpapasya ng kataas taasang hukuman sa anomang usapin na iniharap dito upang pasyahan en banc  o sa dibisyon   ay dapat mabuo sa pagsasangunian bago italaga ang isang usapin sa isang mahistrado upang sulatin ang opinyon ng hukuman . dapat magpalabas sa isang sertpikasyon tungkol dito na nilagdaan  ng punongmahistrado at ang sipi niyon ay dapat ilakip sa rekord ng usapin at ipahatid sa mga panig .ang sino mang mahistrado na hindi nakibahagi o salungat  o di lumahok sa isang pasya o resolusyon ay kinakailangan maglahad ng mga katwiran na batayan nito . ganito ring mga pangangailangan ang dapat sundin ng lahat ng nakababang  hukumang kolehyado

seksiyon 14 Hindi dapat maglagda ng anomang pasya ang alinmang hukuman nang hindi ilalahad doon ng malinaw at di maipagkakamali ang mga pangyayari at ang batas na punagbabatayan nito

seksiyon 15 (1) ang lahat ngusapin o bagay na idinulog mula sa pagkakabisa ng saligang batas na ito ay kinakailangan pasyahan o lutasin sa loob ng dalawamput apat na buwan mula sa petsa ng pagkakadulog nito para sa kataas taasang hukuman at matangi kung iklian ng kataas taasang hukuman labindalawang buwan para sa lahat ng nakababang hukuman kolehyado at tatlong buwan para sa lahat ng mga nakabababang hukuman 

seksiyon 15 (2)Ang isang usapin o bagay ay ituturing na idinulog para sa pagpasya o paglutas sa sandaling iniharap ang panghuling pleading  brief o memorandum na itinakda ng mga alituntunin ng hukuman  o ng hukuman na rin 

seksiyon 15 (3) pagkatapos ng kaukulang panahon ang isang sertipikasyon hinggil dito na nilagdaan ng punong mahistrado  o ng namumunong hukom ay dapat igawad agad at ilalakip ang isang sipi  niyon sa rekord  ng usapin o bagay at ipahatid sa mga panig .  dapat isaad ng sertipikasyon  kung bakit hindi naihayag o naigawad ang pasya o resolusyon sa loob ng naturang panahon

seksiyon 15 (4) sa kabila ng paglipas na ipinatutupad na taning ng panahon dapat pasyahan o lutasin ng hukuman nang hindi makahahadlang  sa pananagutang natamo bunga niyon ang usapin o bagay na iniharap sa pagpapasya nito nang wala nang pagkabalam pa

seksiyon 16 angkataas taasang hukuman sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon ng kongreso ay dapat magharap sa pangulo at sa  kongreso ng taunang ulat ngmga pamamalakd at mga gawain ng mga hukuman                        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento