Huwebes, Agosto 12, 2021

konstitusyon ng pilipinas B

 artikulo tatlo katipunan ng mga karapatan

seksiyon 1 Hindi dapat alisan ng buhay ,kalayyan o ari arian ang sinomang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas ni pagkaitan ang sinumang tao ng pantay na pangangalaga ng batas 

seksiyon 2 Ang karapatan ng mga taong bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang mga sariling pamumuhay,papeles, at mga bagay bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa anomang layunin ay hindi dapat labagin at hindi dapat maglakda ng warrant sa paghalughog o wrrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan  ng hukom  matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihahanap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo at tiyakang tinutukoy ang lugar na halughugan at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin

seksiyon 3 (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensiya maliban sa legal na utos ng hukuman  o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinakda ng batas

seksiyon 3 (2) Hindi dapat tanggapin para sa anomang layunin sa alinmang hakbangin sa paglilitis ang anomang ebidensiya na nakuha nang lbag dito o sa sinundang seksiyon

putol=tulpo

seksiyon 3 (4) Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita ,pagpapahayag  o ng pamahayagan  o sa karapatan ng mga taong bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan  upang ilahad ang kanilang mga karaingan ;“convention center; “PICC”congressman (JEL);

seksiyon 3 (5) Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatag ng relihiyon o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito.Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng paghayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili.Hindi dapat kailanganin ng pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika

seksiyon 3 (6)Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinadhanan ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman .Ni hindi dapat bawahan ang karapatan sapaglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa,kaligtasang pambayan o kalusugang pambayan ayon sa itinadhana ng batas

seksiyon 3 (7) Dapat kilalanin ang mga karapatan ng taong bayan namapagbatiran hinggil sa mga bagay bagay na may kinalaman sa tanan.Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain,transaksiyon o pasya ,gayundin sa datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad  ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng katakdaang  maaring itadhana ng batas

   seksiyon 3 (8)Hindi dapat hadlangan ang mga karapatan ng taong bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publikoatpribadong sektor na magtatag ng asosasyon mga unyon o mga kapisanan sa mga layuning hindi labag sa batas

“voluntary movement”

seksiyon 3 (9) Ang pribadong ari arian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran “not boundaries”

seksiyon 3 (10)Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata

seksiyon 3 (11)Hindi dapat ipagkait sa sinumang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupaang  mala panghukuman at sa sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan

 seksiyon 3 (12) (!)Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan  ng kanyang karapatang magsawalang kibo at magkaroon ng abogadong  may sapat na kakayahan at malaya sa lalong kanais nais kung siya ay maypili.Kung hindi niya makayanan ang paglilingkod ng abogado,kinakailangang pagkslooban siya ng isa.Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat sa harap ng abogado “PAO”

seksiyon 3 (12) (2)Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap,pwersa,dahas,pananakot,pagbabanta o ano pang paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan ,solitaryo,ingkomunikado o iba pang katulad ng mga anyo ng detensiyon

seksiyon 3 (12) (3)hindi dapat tanggaping ebidensiya laban sa kanya ang anomang pagtatapat o pag amin na nakuha nang labag sa seksiyong ito o sa sinusundang seksiyon

seksiyon 3 (12) (4)Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksiyong ito at gayundin ng bayad pinsala at rehabilitasyon samga biktima ng labis na mga pagpapahirap o katulad ng mga nagawian  at sa kanilang mga pamilya

seksiyon 3 (13)Ang lahat ng mga tao maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan  ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensiya ng pagkakasala,bago mahatulan ay dapat na mapyansayan ng sapat na pyador o maaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaring itadhana ng batas.Hindi dapat bawahan ang karapatan  sa pyansa kahit na masuspindido ang pribileyo ng writ of habeas corpus.hindi dapat kailangan na malabis na pyansa

seksiyon 3 (14) (1)Hindi dapat panagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas

  seksiyon 3 (14) (2)Sa lahat ng mga pag uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat  na ituring na walang sala hanggat hindi napapatunayan ang naiiba at dapat magtamasa ng karapatang magmatuwid  sa pamamagitan ng sarili at ng abogado ,mapatalastasan ang uri ng dahilan ng sakdal laban sa kanya,magkaroon ng mabilis ,walang kinikilingan at hayagang paglilitis ,makaharap ang mga testigo,at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglilitaw ng mga ebidensiya para sa kanyang kapakanan.Gayonman ,matapos mabasa ang sakdal ,maaring ituloy ang paglilitis  kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napagtalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap

seksiyon 3 (15)Hindi dapat suspindihin ang pribelehiyo ng writ of habeas corpus maliban kung may pananalakay o paghihimagsik kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan

seksiyon 3 (16)Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaling paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalipunang panghukuman ,mala hukuman at pampangasiwaan

seksiyon 3 (17)Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili

seksiyon 3 (18) (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang mga paniniwala at hangaring pampulitika 

seksiyon 3 (18) (2)Hindi dapat pairalin ang anomang anyo ng sapilitang paglilingkod maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala

seksiyon 3 (19)(1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa ni ilapat ang malupit ,imbi o di makataong parusa o ang parusang kamatayan;”(75years dapat”parol;

matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang  bunsod ng mga buktot na krimen.Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw ng kaparusahang kamatayan”;”congressman”committee,blue,red,yellow,white,1987pc;

seksiyon 3 (19) (2)Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal,sikolohikal o imbing pagpaparusa sa sinomang bilanggo  o detinado o ang paggamit ng mga  kaluwagang  penal na di makatao

seksiyon 3 (20) Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula”permanent address”

seksiyon 3 (21)Hindi dapat  na ang isang tao ay may makalawang mapasapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag.Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan ang pagkaparusa  o pagkakaabswelto sa ilalim ng alin mang dito ay magiging hadlang sa iba pang pag uusig at gayong ding kagagawan”jeopardy”

seksiyon 3 (22)Hindi dapat magpatibay ng batas  ex post facto o bill of attainder


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento