kapanagutan ng mga pinunong bayan
seksiyon 1 ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulan pambayan ang mga pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakailangang mamalaging nanangutan sa mga taong bayan maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan dangal katapatan at kahusayan manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katrungan at mamuhay nang buong kapakunbabaan
seksiyon 2 ang pangulo ang pangalawang pangulo ang mga mahistrado ng kataas taasang hukuman ang mga kagawad ng mga komisyong konstitusyonal at ang ombudsman ay maaaring alisin sa katungkulan sa pamamagitan ng impeachment at pagkhatol doon sa tandisang paglabag sa konstitusyon pagtataksil pagpapasuhol garft and corruption iba pang mabibigat na krimen o pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan ang lahat ng iba pang mga pinuno at kawaning pambayan ay maaring alisin sa katungkulan ayon sa itinadhana ng batas subalit hindi sa pamamagitan ng impeachment
seksiyon 3 (1)ang kapulungan ng mga kinatawan ay dapat magkaroon ng tanging kapangyarihan magsimula sa lahat ng mga kaso ng impeachment
seksiyon 3 (2) ang taong pinanumpaang sakdal ukol sa impeachment ay maaaring iharap ng sinomang kagawad ng kapulungan ng mga kinatawan o ng sino mang mamamayan sa pamamagitan ng isang reslusyon ng pagsan ayon ng sinomang kagawad niyon na dapat isama sa palatuntunan ng pagpupulungan sa loob ng sampung araw ng sesyon at dapat itukoy sa nararapat na komite sa loob ng tatlong araw ng sesyon pagkatapos noon pagkaraan ng pagdinig at sa pamamagitan ng nakararaming boto ng lahat ng mga kagawad nito ang komite ay dapat magharap ng ulat nito sa kapulungan sa loob ng animnapung araw ng sesyon mula sa nabanggit napagtutukoykasama ang kaukulang resolusyon dapat ikalendaryo ng kapulungan ang pag sasalang alang sa resolusyon sa loob ng sampung araw ng sesyon pagkatanggap nito
seksiyon 3 (3) dapat kailanganin ang boto ng isang katlo man lamang ng lahat ng mga kagawad ng kapulungan upang patotohanan ang isng katig na resolusyon sa articles of impeachment ng komite o pawalang halaga ang salungat na resolusyon nito dapat itala ang boto ng bawat kagawad
seksiyon 3(4) kung ang pinanunumpaang sakdal o resolusyon sa impeachment ay iniharap ng isang katlo man lamang ng lahat ng mga kagawad ng kapulungan iyon ay dapat bumuo sa articles of impeachment at dapat isunod agad ang paglilitis ng senado
seksiyon 3(5) hindi dapat ipag harap ang opisyal ding iyon nang higit sa isang sakdal na impeachment sa loob ng isang taon
seksiyon 3 (6) ang senado ay dapat magkaroon ng tanging kapangyarihan maglitis sa lahat ng mga kaso ng impeachment kapag nagpulong ukol sa layuning iyon ang mga senador ay dapat sumailalim ng panunumpa o pagpapatotoo kapag ang pangulo ng pilipinas ay nililitis ang punong mahistrado ng kataas taasang hukuman ang dapat mangulo ngunit hindi dapat bumoto hindi dapat parusahan ang sino mang tao nang walang pagsang ayon ng dalawang katlo ng lahat ng mga kagawad ng senado
seksiyon 3 (7) ang mga hatol sa kaso ng impeachment ay hindi dapat humigit pa sa pag aalis sa katungkulan at diskwalipikasyon sa paghwak ng anomang katungkulan sa ilalim ng republika ng pilipinas ngunitang panig ng naparusahan ay dapat pa ring managot at sumailalim ng paguusig pag lilitis at pagpaparusa ayon sa batas
seksiyon 3 (8) ang kongreso ay dapat maglagda ng mga tuntunin nito saimpeachment upang mabisang maisakatuparan ang layuning ng seksyong ito
seksiyon 4 ang kasalukuyang hukuman laban sa katiwalian na tinatawag na sandigang bayan ay dapat magpatuloy sa tungkulin at tumupad ng hurisdiksyon nito katulad ng sa ngayon o pagkaraan ay maaari itadhana ng batas
seksiyon 5 sa pamamagitan nito ay nililikha ang malayang tanggapan ng ombudsman na binubuo ng ombudsman na tatawaging tanodbayan isang panlahatang depyuti at isa man lamang na depyuti sa baway isa sa luzon visayas at mindanao maaari ring humirang ng isang hiwalay na depyuti para sa military establistment
seksiyon 6 ang mga opisyal at kawani ng tanggapan ng ombudsman maliban sa mga depyuti ay dapat hirangin ng ombudsman alinsunod sa batas ng serbisyo sibil
seksiyon 7 ang tanodbayan na umiiral sa kasulukuyan ay dapat tawagin mula ngayon ng tanggapan ng tanging tagausig ito ay dapat magpatuloy sa tungkulin at tumupad ng kapangyarihan nito katulad ng sa ngayon o pagkaraan ay maaaring itadhana ng batas matangi roon sa mga ipinagkaloob sa katungkulan ng ombudsman na nilkha sa ilalim ng konstitusyong ito
seksiyon 8 ang ombudsman at ang kanyang mga depyuti ay dapat na mga katutubong inaanak na mamamayan ng pilipinas at sa panahon ng pagkahirang sa kanila ay may apatnapung taong gulang man lamang kinikilala sapagkamatapat at sa sarilingpag iisip at kabilang sa philippine bar at hindi naging mga kandidato sa anomang katungkulang halal sa sinundang nakalipas na halalan ang ombudsman ay kinakailangang naging isang hukom o nagpraktis bilang abogado sa pilipinas sa loob ng sampung taon o mahigit pa
sa panahonng kanilang panunungkulan sila dapat sumailalim ng mga diskwalipikasyon at mga pagbabawal na tulad ng itinadhana sa seksiyon 2 artikulo xia ng konstitusyong ito
seksiyon 9 ang ombudsman at ang kanyangmga depyuti ay dapat harangin ng pangulo mula sa talaan ng anim man lamang na pagpipilian na inihanda ng judicial and bar council at mula sa talaan ng tatlong pagpipilian para sa bawat bakante pagkaraan niyon hindi dapat kailanganin sa mgapaghirang na iyon ang anomang kurpirmasyon ang lahat ng mga bakante ay dapat punan sa loob ng talong buwan matapos mabakante ang mga iyon
seksiyon 10 ang ombudsman at ang kanyang mga depyuti ay dapat magtaglay ng ranggo ng tagapangulo at ng mga kagawad ng mga komisyong konstitusyonal ayon sa pagkakasunod sunod at sila ay dapat tumanggap ng katulad na sahod na hindi dapat bawsan sa panahon ng kanilang panunungkulan
seksiyon 11 ang ombudsman at ang kanyang mga depyuti ay dapat manungkulan sa taningng pitong taon na dina muling mahihirang sila ay hindi dapat na maging marapat na kumandidato sa anomang katungkulan sa halalan kagyat na sa susunod na pagtatapos ng kanilang panunungkulan
seksiyon 12 ang ombudsman at ang kanyang mga depyuti bilang mga tagapagsanggalang ng taong bayan ay dapat kumilos ng daglian sa mga sumong na iniharap sa anomang anyo o paraan laban sa mga pinuno o kawaning pambayan ng pamahalaan o nang anomang bahagi sangay o kasangkapan niyon kasama ang mga korporasyon ari o kontrolado ng pamahalaan at sa mga angkop na kaso ay dapat ipabatid sa mga may sumbong ang isinagawang aksyon at ang mga resulta niyon
seksiyon 13 dapat magkaroon ang tanggapan ng ombudsman ng sumusunod na mga kapangyarin mga gawain at mga tungkulin
seksiyon 13 (1) magsiyasat sa kusa nito o sa sumbong ng sinomang tao ng anomang gawa o pagkukulang ng sinomang opisyal kawani tanggapan o sangay pambayan kapag ang gayong kagawaran o pagkukulang ay lumilitaw na ilegal di makatarungan di nararapat o di episyente
seksiyon 13 (2) mag atas batay sa sumbong o sa sariling kusa nito sinumang opisyal pambayan o kawani ng pamahalaan o ng alinmang bahagi sangay o kasangkapan niyon at maging ng alinmang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan na may mga orihinal na karta na tuparin at madaliin ang anomang kilos o tungkulin na hinihingi sa kanya ng batas o pigilin hadlangan at iwasto ang anomang pagmamalabis o di nararapat sa pagtupad ng mga tungkulin
seksiyon 13 (3) mag atas sa kinauukulang pinuno na mag sagawa ng nararapat na hakbang laban sa isang nagkasalang opisyal o kawaning pambayan at magtagubilin ng kanyang pagtitiwalag pagsuspindi pagbaba ng katungkulan pagmumulta mahigpit na pangangaral o pag uusig at tiyakin angpagtalima sa ipinag utos
seksiyon 13 (4) sa alinmang nararapat na kaso at sa ilalim ng mga katakdaan na maaaring itadhana ng batas mag atas sa kinauukulang pinuno na bigyan ito ng mga sipi ng mga dokumento tungkol sa mga kontrata o mga transaksyon o mga transaksyon na ipinasok ng kanyang tanggapan namay kinalaman sa pagbabayad o paggamit ng mga pondo o mga ari ariang pambayan at mag ulat sa komisyon sa awdit ng anomang katiwalian upang magawan ng karampatang hakbang
seksiyon 13 (5) humiling sa alinmang sangay ng pamhalaan ng kinakailangang tulong at impormasyon sa pagtupad ng mga pananagutan nito at magsuri kung kinakailangan ng nauukol na mga rekord at mga dokumento
seksiyon 13 (6) magpahayag ng mga bagay bagay na saklaw ng pagsisiyasat nito kung hinihingi ng mga pangyayari at taglay ang nararapat na pag iingat
seksiyon 13 (7) alamin ang mga dahilan ng di kahusayan red tape masamang pamamahala pagdaraya at katiwalian sa pamhalaan at magrekomenda ukol sa pagaalis ng mga ito at pagsunod sa mataas na pamantayan ng kagandahang asal at kahusayan
seksiyon 13 (8) maglagda ng mgatuntunin ng pamamaraan nito at gumanap ng iba pang mga kapangyarihan o tumupad ng mga gawain o mga tungkulin na maaaring itadhana ng batas
seksiyon 14 dapat magtamasa ng pagsasarili sa pananalapi ang tanggapan ng ombudsman dapat ipalabas ng kusa at regular ang pinagtibay na taunang laang gugulin nito
seksiyon 15 hindi dapat mahadlangan ng prscripsyon laches o estopped ang karapatan ng estado na mabawi ang ari ariang nakuha nang labag sa batas ng mga opisyal o mga kawaning pambayan mula sa kanila o sa kanilang mga nomini o pinaglipatan
seksiyon 16 hindi maaaring magkalaoob nang tuwiran o di tuwiran ng anomang pautang garantiya o iba pang uri ng kaluwagang pampananalapi para sa alinmang layuning pang negosyo ang alinmang bangko o institusyong pampananalapi na ari o kontrolado ng pamhalaan sa pangulo pangalawang pangulo sa mga kagawad ng gabinete ng kongreso ng kataas taasang hukuman at ng mga komisyong konstitusyonal sa ombudsman o sa alinmang buhay kalakal o entity na mayroon silang kontroling interes sa panahon ng kanilang panunungkulan
seksiyon 17 ang isang pinuno o kawaning pambayan sa pag upo niya sa tungkulin at sa limit ng panahong maaraing itadhana ng batas ay dapat magsumite ng pinasumpaang deklarasyon ng kanyang mga ari arian pananagutan at netong kabuuan ng ari arian sa kalagayan ng pangulo apngalawang pangulo mga kagawad ng gabinete ng kongreso ng kataas taasang hukuman ng mga komisyong konstitusyonal at ng iba pang katungkulan konstitusyonal at mga pinuno ng sandatahang lakas na may ranggong heneral o pamandila ang deklarasyon ay dapat isiwalat sa madla sa paraang itinadhana ng batas
seksiyon 18 ang mga pinuno at kawaning pambayan ay may kautangang katapatan sa lahat ng oras sa estado at sa konstitusyon at ang sinomang pinuno o kawaning pambayan na naghahangad magbago ng kanyang panunungkulan ay dapat lapatan ng kaukulang batas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento