edukasyon syensya at teknoloyiha mga sining kultura at sports
edukasyon
seksiyon 1 dapat pangalagaan at itaguyod ng estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang gayong edukasyon
seksiyon 2 ang estado ay dapat
seksiyon 2 (1) magtatag magpanatili at magtustos ng isang kumpleto sapat at pinag isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan
seksiyon 2 (2) magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayang edukasyon sa elementarya at hayskul hindi bilang pagtatakda sa likas na karapatan ng mga magulang sa pagaaruga ng kanilang mga anak ang edukasyong elementarya ay sapilitan sa lahat ng mga batang nasa edad ng pag aaral
seksiyon 2 (3) magtatag at magpanatili ng isang sistema ng mga kaloob ng iskolarship mga programang pautang sa estudyante"study now pay later" mga tulong na salapi at iba pang mga insentibo na dapt ibigay sa karapat dapat na mga estudyante sa mga paaralang publiko at pribado lalo na sa mga kulangpalad
seksiyon 2 (4) pasiglahin ang di pormal impormal at katutubong mga sistema ng pagkatuto at gayon din ang mga programang pagkatuto sa sarili sarilinang pag aaral at pag aaral sa labas ng paaralan lalo na yaong tumutugon sa mga pangngailangan ng pamayanan at
seksiyon 2 (5) mag ukol sa mga mamamayang may sapat na gulang may kapansanan at kabataang nasa labas ng paaaralan ng pagsasanay sa sibika kahusayang bokasyunal at iba pang mga kasanayan
seksiyon 3 (1) dapat maging bahagi ng kurikula ang pagaaral ng konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang edukasyon
seksiyon 3 (2) dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo ihasik ang pag ibig sa sangkatauhan paggalang sa mga karapatang pantao pagpapahalaga sa gampanin ng mga pambansang bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa ituro ang mga karapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at espiritwal linangin ang karakter na moral at disiplinang pansarili pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain palawakin ang kaalamang syentipiko at teknolohikal at itaguyod ang kahusayang bokasyonal
seksiyon 3 (3) sa opsyong nakalahad nang nakasulat ng mga magulang o mga tagakupkop dapat pahintulutang ituro ang relihiyon sa kanilang mga anak o mga ampon sa mga pambayang paaralang elementarya at hayskul sa regular na mga oras ng klase ng mga tagapagturong itinalaga o pinahihintulutan ng relihiyosong awtoridad ng relihiyong kinaaniban ng mga anak o mga ampon nang walng dagdag na gastos ang pamahalaan
seksiyon 4 (1) kinikilala ng estado ang mga gampanang komplementaryo ng mga institusyong publiko at pribado sa sistemang pang edukasyon at dapat itong tumupad ng makatwirang superbisyon at regulasyon sa lahat ng mga institusyong pang edukasyon
seksiyon 4 (2) ang mga institusyong pang edukasyon bukod sa mga itinatag ng mga pangkat na relihiyoso at mga kalupunang misyon ay dapat na ari lamang ng mga mamamayan ng pilipinas o ng mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung bahagdan man lamang ng puhunan nito ay ari ng gayong mga mamamayan gayon man maaaring itakda ng kongreso ang karagdagang lahok ng ekwiting pilipino sa lahat ng mga institusyong pang edukasyon
dapat sumakamay ng mga mamamayan ng pilipinas ang kontrol sa administrasyon ng mga institusyong pang edukasyon hindi dapat matatag ang anomang institusyong pang edukasyon ng ekslosibong para sa dayuhan at hindi dapat humigit sa isang katlo ng enrolment sa alinmang paaralan ang anomang pangkat ng mga dayuhan ang mga tadhana ng subseksyong ito ay hindi sasaklaw sa mga paaralang itinatag para sa mga dayuhan na tauhang diplomatiko at kanilang mga dependent at matangi kung naiiba ang itinadhana ng batas para sa iba pang mga dayuhan na pansamantalang naninirahan dito
seksiyon 4 (2) ang lahat ng mga rebenyu at mga aset ng mga institusyong pang edukasyon na di sapian di pampakinabang at ginamit nang aktwal tuwiran at ekslosibo para sa mga layuning pang edukasyon ay dapat malibre sa mga buwis at mga bayarin sa kalakal sa sandaling mabuwag o maputol ang buhay korporasyon ng gayong mga institusyon dapat madispos ang kanilang mga aset sa paraang itinadhana ng batas maaari ring magkaroon ng karapatan ang mga institusyong pang edukasyon na propryati pati yaong mga ari ng kooperatiba sa gayong mga pagkalibre salig sa mga katakdaang itinadhana ng batas kabilang ang mga pagtatakda sa mgadibidendo at mga tadhana para sa muling pamumunuan
seksiyon 4 (3) batay sa mga kondisyong itinakda ng batas dapat malibre sa buwis ang lahat ng mga kaloob mga endownment mga donasyon o mga kontribution na ginamit ng aktwal tuwiran at ekslosibo para sa mga layuning pang edukasyon
seksiyon 5 (1) dapat isa alang alang ng estado ang mga pangangailangan at kalagayang panrehiyon at pansektor at dapt pasiglahin ang lokal na pagpaplano sa pagbubuo ng mga patakaran at mga programang pang edukasyon
seksiyon 5 (2) dapat tamasahin ang kalagayng akademiko sa lahat ng mga institusyon ng lalong mataas sa karunungan
seksiyon 5 (3) ang bawat mamamayan ay may karapatang pumili ng propesyon o kurso ng pagaaral salig sa karampatan makatwiran at ekwitableng mga kinakailangan sa pagpasok at mga pangangailangang akademiko
seksiyon 5 (4) dapat patingkarin ng estado ang karapatan ng mga guro sa pagsulong ng propesyonal dapat magtamasa sa proteksiyon ng estado ang mga tauhang akademiko na di nagtuturo at mga tauhang di akademiko dapat mag ukol ang estado ng pinakamataas na prayoriti sa pagbabadyet sa edukasyon at seguruhin na magaganyak at mapapamalagi ng pagtuturo ang nararapat na kaparte nito sa pinakamahusay na mga talino sa pamamagitan ng sapat na gantimpala at iba pang paraan ng kasiyahan at katuparan sa gawain
wika
seksiyon 6 ang wikang pambansa ng pilipinas ay filipino samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wikang pilipino at iba pang mga wika
alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso dapat mgsagawa ng mga hakbangin ang pamahalan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sitemang pang edukasyon
seksiyon 7 ukol sa mga layuning ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng pilipinas ay filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas ingles ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon dapat itaguyod ng kusa at opisyal ang kastila at arabic
seksiyon 8 ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa filipino at ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon arabic at kastila
seksiyon 9 dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa mag uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapunlad pagpaplaganap at pagpapanatili
syensya at teknolohiya
seksiyon 10 napakahalaga ng syensya at teknolohiya sa pambansang pag unlad at pagsulong dapat mag ukol ng prayoriti ang estado sa pananaliksik at pag buo imbensyon inobasyon at sa paggamit ng mga ito at sa edukasyon pagsasanay at mga lingkurang pasyensya at p0anteknolohiya dapat suportahan nito ang mga kakayahang syentipiko at teknolohikal na katutubo angkop at umaasa sa sariling kakayahan at ang kanilang kabagayan sa mga sistemang pamproduksyon at pambansang kapamuhayang pambansa
seksiyon 11 maaaring magtadhana ang kongreso para sa mga insentibo kasama ang mga kabawasan sa buwis upang maganyak ang paglahok na pribado sa mga programa ng batayn at gamiting pananaliksik syentipiko dapat magkaloob ng mga iskolarship kaloob na tulong o iba pang mga anyo ng mga insentibo sa mga karapat dapat na estudyante sa syensya mga mananaliksik mga syantist mga imbentor mga teknolodyist at mga mamamayang may natatanging likas na talino
seksiyon 12 dapat regulahin ng estado ang paglilipat at itaguyod ang pag aangkop ng teknolohiya mula sa lahat ng batis para sa pampansang kapakinabangan dapat pasiglahin nito ang pinakamalawak na paglahok ng mga pribadong pangkat mga pamahalaang lokal at mgaorganisasyong salig pamayanan sa paglikha at pagsasagamit ng syensya at teknolohiya
seksiyon 13 dapat pangalagaan at seguruhin ng estado ang mga ekslosibong karapatan ng mga sayantist mga imbentor mga artist at iba pang mga mamamayang may likas na talino sa kanilang ari at mga likhang intelektwal lalo na kung kapaki pakinabang sa sambayanan para sa panahong maaring itakda ng batas IPO blue print
mga sining at kultura
seksiyon 14 dapat itaguyod ng estado ang pangangalaga pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba iba sa kaligirang malaya artistiko at intelektwal na pagpapahayag
seksiyon 15 dapat tangkilikin ng estado ang mga sining at panitikan dapat pangalagaan itaguyod at ipalaganap ng estado ang pamanang historikal at kultural at ang mga likha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa
seksiyon 16 ang lahat ng mga kayamanang artistiko at historiko ng bansa ay bumubuo sa kayamanang kultural nito at dapat pangalagaan ng estado na maaaring magregula sa disposisyon nito
seksiyon 17 dapat kilalanin igalang at pangalagaan ng estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sapagpapnatili at pagpapayaman ng kanilang mga kultura mga tradisyon at mga institusyon dapat isa alang alang nito ang mga karapatang ito sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano at mga patakaran
seksiyon 18 (1) dapat seguruhin ng estado ang pantay na pagtamo ng mga pagkakataong kultural sa pamamagita ng sistemang pang edukasyon mga kultural na entity na publiko o pribado at mga iskolrship mga kaloob at iba pang mga insentibo at mga pampamayanang sentrong kultural at iba pang mga tanghalang pangmadla
seksiyon 18 (2) dapat pasiglahin at tangkilikin ng estado ang mga pananaliksik at mga pag aaral tungkol sa mga sining at kultura
sports
seksiyon 19 (1) dapat itaguyod ng estado ang edukasyong pisikal at pasiglahin ang mga programang pang isports mga paligsahang panliga at mga amatyur isports kasama ang pagsasanay para sa mga paligsahang pandaigdig upang maisulong ang disiplina sa sarili pagtutulungan ng magkakasama at kahusayan para sa pagbuo ng kapamayanang malusog at mulat
seksiyon 19 (2) ang lahat ng mga institusyong pang edukasyon ay dapat magsagawa ng regular na mga gawaing pang isports sa buong bansa sa pakikipagtulungan sa mga samahan sa palaro at iba pang mga sektor
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento