Huwebes, Agosto 12, 2021

konstitusyon ng pilipinas artikulo 6

 ang kagawaran ng tagapagbatas=legislatibo

seksiyon 1 Dapat masalalay sa isang kongreso ng Pilipinas ang kapangyarihang Tagapagbatas  na dapat ay binubuo ng isang Senado at isang Kapulungan ng mga Kinatawan ,maliban sa lawak na inilaan sa mga taong bayan ng tadhana tunkol sa pagpapatiuna at reperendum

seksiyon 2 Ang senado ay dapat buuin ng dalawamput apat na Senador na dapat ihalal sa kalahatan ng mga kwalipikadong botante ng Pilipinas ,ayon sa maaring itadhana ng batas 

seksiyon 3 Hindi dapat maging Senador ang sinomang tao matangi kung siaya ay katutubong inaanak ng mamamayan ng Piipinas at sa araw ng halalan tatlongput limaang taong gulang  man lamang nkakabasa at nakakasulat ,rehistradong botante at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng panahong hindi kukulangin sa dalawang taon kagyat bago sumapit ang araw ng halalan 

seksiyon 4 Ang taning ng panunungkulan ng mga Senador ay dapat na anim na taon at dapat magsimula ,matangi kung may naiibang tadhana ang batas sa katanghalian ng ikatatlumpot araw  ng Hunyo na sumusunod sa araw ng pagkakahalal sa kanila 

 .Hindi dapat manungkulan ang sinomang Senador nang mahigit sa dalawang magkasunod na taning ng panunungkulan .Ang boluntaryong pagtalikod  sa katungkulan sa anomang tagal ng panahon ay hindi dapat na ituring na pagkauntol sapagpapatuloy ng kaniyang paglilingkod para sa buong taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya

seksiyon (5)(1)Ang Kapulungan ng mga Kinatawan(PICC) ay dapat buuin ng hindi hihigit sa dalawang daan at limampung kagawad matangi kung magtakda ang batas ng naiiba na dapat ihalal mula sa mga purok pangkapulungan na pinag aayaw ayaw sa mga lalawigan ,mga lungsod at Metropolitan Manila(km0B) Area ayon sa rami ng kinauukulang mga naninirahan  at batay sa magkakatulad  at pag unlad na pagdami at ayon sa itinatadhana ng batas aydapat ihalal sapamamagitan ng sistemang partylist ng mga rehistradong partido o organisayong pambansa panrelihiyonat pansektor   

seksiyon (5)(2)Ang mga kinatawang partylist ay dapat binubuo ay dapat binubuo ng dalawampung porsiyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng Kinatawan. Sa loob ng tatlong magkakasunod nataning ng panunungkulan pagkaraan na maratipikahanang Konstitusyong ito,ang kalahati ay sa mga pwersang nakalaan sa mga kinatawan partylist ay dapat punan ayon sa itinadhana ng batas sa pamamgitan ng pagpili o paghalal mula sa sektor ng mga manggagawa,magsasaka,mahirap na tagalungsod,mga katutubong pamayanan pangkalinangan,mga kababaihan ,kabataan at sa iba pang mga sektor na maaring itadhana ng batas ,maliban sa sektor na panrelihiyon

seksiyon (5)(3) Ang bawat purok pangkapulungan ay dapat buuin ,hanggat maari ng territoryong magkakaratid buo at magkakatabi(camanava).Ang bawat lungsod na ang populasyon ay dalawang daat limampung libo man lamang o ang bawat lalawigan ay dapat magkaroon ng isa man lamang na kinatawan”house”

seksiyon (5)(4)Sa loob ng talong taon kasunod ng ulat ng bawat sensu,ang Kongreso ay dapat gumawa ng muling pag ayaw ayaw ng mga purok pangkapulungan batay sa mga pamantayang itinadhana sa seksiyong ito

putol=tulpo

seksiyon (5)(6)Hindi dapat maging Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang sinomang tao matangi kung siya ay katutubong inaanak  ng mamamyan ng Plipinas at sa mga araw ng halalan ay dalawamput limang taon gulang  man lamang nakakabasa nakakasulat  at maliban sa mga kinatawang partylist rehistradong botantesa purok ng paghahalalan sa kanya at nakapanirahan doon sa loob ng panahong hindi kukulangin  sa isang taon kagyat bago sumapit ang araw ng halalan

seksiyon (5)(7)Ang mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat ihalal para sa taning na talong taon na magsisimula ,matangi kung may naiibang itinadhana ang batas,sa katanghalian ng ikatalumput araw ng Hunyo na sumunod sa pagkahalal sa kanila

Hindi dapat manungkulan ang sinomang Kagawad ng Kapulungan ng mga kinatawan nang mahigit sa talong magkakasunod na taning ng panunungkulan .Ang boluntaryong pagtalikod  sa  katungkulan sa anomang tagal ng panahon ay hindi dapat na ituring na pagkauntol sapagpapatuloy ng kaniyang paglilingkod para sa buong taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya

    seksiyon (5)(8)Matangi kung may naiibang itatadhana ang batas ,ang regular na halalan ng mga Senador at ng mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat iraos sa ikalawang lunes ng Mayo

   seksiyon (5)(9)Kung magkakabakante sa Senado o sa Kapulungan ng mga Kinatawan maaring tuwag ng tanging halalan upang punan ang pagkakabakanteng  iyon sa paraang itinakda ng batas  ngunit ang  Senador o  Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan na mahahalal sa gayong paraan ay manunuparan sa loob lamang ng nalalbing panahon ng hindi pa natatapos na taning

seksiyon (5)(10)Dapat itakda ng batas ang mga sahod ng Senador at mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan.hindi dapat magkabisa ang anomang pagdaragdag sa nasabing sahod hanggang hindi pa natatapos ang buong taning sa panunungkulan ng lahat ng mga Kagawad ng Senado  at ng Kapulungan ng mga Kinatawan na nagpatibay sa pagdaragdag na iyon  

seksiyon (5)(11)Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan  ng mga Kinatawan  sa lahat  ng mga paglabag  na may parusang hindi hihigit sa anim na taonay dapat na may pribelehiyo laban sapag aaresto habangmay sesyon ang Kongreso.Ang isang kagawa ay hindi dapat tanungin o pananagutin sa lainmang  ibang lugar dahil sa anumang talumpati o debate sa Kongreso o sa alinmang komite nito

seksiyon (5)(12)Ang lahat ng  mga Kagawad ng Senador ng  Kapulungan  ng mga Kinatawan sa simula ng panunungkulan ay dapat magsagawa ng ganap na pagsisiwalat ng mga kanilang interes  na pananalapi at pagnenegosyo.Dapat ipabatid nila sa ikinauukulang Kapulungan ang maaring umusbong na salungat na interes sa paghaharap ng isang panukalang  pagsasabatas na sila ang may akda

seksiyon 5 (13)Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan  ng mga Kinatawan ay hindi maaring humawak sa panahon ng kanyang panunungkulan ng anomang ibang katungkulan o employment sa pamahalaan”two master at the same time” o sa lainmang bahagi sangay o instrumentality nito kabilang ang mga corporasyon ari o kontrolado ng pamahalaan o mga subsidyari niyon nang hindi magbibitiw  sa kanyang katungkulain.Hindi rinsiya dapat mahirang  sa lainmang katungkulanna maaring  nalikha o naragdagan ang sahod sa loob ng taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya 

seksiyon 5 (14)Hindi maaring personal na humarap ang sinumang Senador o Kagawad ng Kapulungan  ng mga Kinatawan bilang abogado sa anomang hukuman ng katarungan o sa Hukumang Panghalalan o sa mga kalupunang mula panghukuman at sa iba pang mga kalupunang pampangasiwaan.Hindi rin siya dapat maging interesado sa pananalapi ng tuwiran at di tuwiran sa anomang kontrata sa o anomang prangkisa o tanning pribilehiyo na ipinagkaloob ng Pamahalaan  o nang alin mang bahagi sangay o  instrumentaliti nito,kasama ang ang alinmang korporasyon o kontrolado ng pamahalaan o ang subsidayari nito sa loob ng taning  panahon ng kanyang panunungkulan .Hindi siya dapat makialam sa ano mang bagay na maari siyang tawagin upang magpasya dahil sa kanyang katungkulan

seksiyon 5 (15) Ang Kongreso ay dapat magsimula ng pulong minsan isang taon sa ikaapat na Lunes ng Hulyo ukol sa regular na sesyon nito,matangi kung may ibang petsang itinakda ang batas at dapat magpatuloy na nagsesesyon sa loob ng tiyak na bilang ng mga araw na maari nitong itakda hangg ang sa talumpung araw bago magbukas ang susunod na regular na sesyon nito.hindi kasama ang Sabado mga Linggo at mga pista opisyal.Ang Pangulo ay maaring tumawag ng tanging sesyon sa anumang oras

seksiyon 5 (16)(1)Ang Senado ay dapat maghalal ng Pangulo nito at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Ispiker nito sa pamamagitan ng mayoryang boto ng lahat ng kaukulang mga Kagawad nito Ang bawat kapulungan  ay dapat pumili ng iba pang mga pinuno na sa palagay nito ay maaring kinakailangan

  seksiyon 5 (16)(2)Ang mayorya ng bawat Kapulungan ay dapat bumuo ng korum upang makatupad ng gawain ngunit ang lalong maliit na bilang ay maaring magtindig ng pulong sa maghamaghapon at maaring sapilitang padaluhin ang mga Kagawad  na hindi dumadalo sa anomang paraan at sa ilalim ng mga parusa na maaring itadhana ng Kapulungang iyon

seksiyon 5 (16)(3)Ang bawat kapulungan ay maaring magtakda ng mga alituntunin ng mga gawain nito,magparusa sa mga Kagawad  nito dahil sa maligalig na kasalananat pag sang ayon ngdalawang katlo ng lahat ng mga Kagawad nito ay magsususpindi o magtiwalag ng isang Kagawad.Ang parusang suspesion kapag ipinataw ay hindi dapat humigit sa animnapung araw

seksiyon 5 (16)(4)Ang bawat kapulungan  ay dapat mag ingat ng isang Journal ng mga gawain nito at sa pana panahon ay maglathala niyon maliban sa mga bahagi  na pasya nito ay maaring may kinalaman sa pambansang kapanatagan at ang mga OO at mga Hindi sa anomang suliranin ay dapat itala sa Journal  sa kahilingan ng isang kalima ng mga Kagawad na dumalo Ang bawat Kapulungan ay dapat ding mag ingat ng isang Rekord ng mga gawain nito

seksiyon 5 (16)(5)Ang alinmang sa dalawang  Kapulungan sa panahon ng mga pagpupulong ng Kongreso ay hindi dapat magtindig ng pulong nang mahigit sa talong araw o lumipat sa alinmang pook na iba sa sadyang pulungan ng dalawang Kapulungan nang hindi kasang ayon ang isat isa

seksiyon 5 (17)Ang Senado ng kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat magkaroon ng sari sariling Hukumang Panghalalan na magiging tanging tagahatol ng lahat ng tungalian hinngil sa halalan  mga ulat ng halalan at mga kwalipikasyon ng kani kanilang mga Kagawad .Ang bawat Hukumang Panghalalan ay dapat buuin ng siyam na Kagawad na ang tatloa dapat na mga Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman na itatalaga ng Punong Mahistrado at ang natitirang anim ay dapat na sa mga Kagawad ng Senado o ng Kapulungan ng mga Kinatawan gaya ng nararapat na pipiliin batay sa representasyong proposyonal mula sa mga partidong pampulitika at mga partido o mga organisasyong nakarehistro  sa ilalim ng sistemang partylist na kinakatawan doon.Ang nakakataas  na Mahistrado sa Hukumang Panghalalan ay dapat na TagaPangulo nito

seksiyon 5 (18) Dapat magkaroon ng isan Komisyon ng Paghirang  na buuin ng Pangulo ng Senado bilang tagapag Pangulo ex-officio labindalawang senador at labing dalawang Kagawad ng Kapulungan (convention) ng mga Kinatawan na Halal ng bawat Kapulungan batay sa representasyong  proposyonal mula sa partidong pampulitika at mga partido o organisayong nakarehistro sa ilalim ng sistemang partylist na kinatawan doon.Ang TagaPangulo ng Komisyon sa pamamagitan ng mayoryang boto ng lahat ng mga Kagawad

seksiyon 5 (19)Ang mga hukumang Panghalalan at ang  Komisyon ng Paghirang  ay dapat buuin  sa loob ng talongpung araw makaraang matatag ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa Pagkakahalal ng Pangulo ng Senado at ng Ispiker.Ang Komisyon sa Paghihirang ay dapat magpulong sa panahon lamang na may sesyon ang Kongreso sa tawag ng Tagapangulo nito o  ng nakakarami sa mga kagawad ito upang tuparin ang mga kapangyarihan at tungkuling ipnagkaoob dito.

seksiyon 5 (20)Ang mga rekord at mga libro  ng kwenta ng  Kongreso ay dapat pangalagaan at ilahad sa media nang nayon sa batas  at ang gayong mga libro ay dapat maawdit ng Komisyon sa Audit na naglalathala taon taon ng inisaisang listahan ng mga halagang ibinayad para sa bawat Kagawad”unifrm deducted salaries”

seksiyon 5 (21)Ang Senado o ang   Kapulungan ng mga Kinatawan o alin mang sa kaniang mga kaukulang komite ay maaring magsagawa ng mga pagsisiyasat bilang tulong sa pagbabatas ayon sa mga  alituntunin ngmga pamamraan nito na marapat na nalathala.Dapat igalang ang mga karapatan ng mga taong humarap  sa o apektado ng gayong mga pagsisiyasat

seksiyon 5 (22)Ang mga puno ng mga kagawaran sa kanilang sariling pagkukusa na kasang ayon ang Pangulo o sa kahilingan ng alinman sa dalawang Kapulungan”majority/minority”gaya ng dapat itadhana  ng mga laituntunin ng bawat Kapulungan ay maring humarap at dinngin ng gayong  Kapulungan hinggil sa anomang bagay na nauugnay sa kanilang mga kagawaran,Ang mga nakasulat ng mga katanungan ay dapat iharapsa Pangulo ng  Senado o sa Ispiker ng kapulungan ng mga Kapulungan tatlong araw man lamang bago sumapit ang kanyang nakatakdang pagharap.Ang mga interpelasyon ay hidi dapat na tungkol lamang sa mga naiharap na katanungang nakasulat kundi maari ring sumaklaw sa iba pang mga bagay bagay na kaugnay nito.Kapag kakailanganin ng kapanatagan ng Estado o ng kapakanang pambayan at ito ay ilalahad nang nakasulat ng Pangulo.Ang pagharap ay dapat isagawa sa isang seksyong tagapag paganap.

seksiyon 5 (23)(1)Ang Kongreso sa pamamagitan ng botong dalawang katlo ng dalawang Kapulungan  na magklasamang natitipon  sa sesyon  sa magkahiwalay na pagboto ay may tanging kapangyarihan magpahayag ng pag iral ng kalagayang digma

seksiyon 5 (23)(2)Sa mga panahon ng digma o iba pang pambansng kagipitan ang kongreso sa pamamagitan ng batas ay maaring mag awtorisa sa Pangulo sa isang nakatakdang panahon sa ilalim ng paghihigpit na maaring ilagda nito na gumagamit ng mga kapangyarihang kinakailangan at naangkop upang isagawa ang ideneklarang  pambansang patakaran.Matangi kung bawiin ng lalong maaga sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kongreso ang gayong kapangyarihan ay mawawala sa susunod na pagtitindig ng pulong

  seksiyon 5 (24)Ang lahat ng mga panukalang batas sa laang gugulin rentas o taripa  mga panukalang batas  na nagpapahintulot ng pagdaragdag na utang na pambayan mgapanukalang batas na may bisang lokal at ang mga panukalang batas na pansarili ay dapat magmula sa Kapulungan ng mga Kinatawan lamang,ngunit ang Senado ay maaring magpanukala o sumang ayon sa pamamagitan ng mga susog

seksiyon 5 (25)(1)Maaring hindi dagdagan  ng Kongreso ang mga lang gugulin na inerekominda  ng Pangulo para sa pagpapakilos ng Pamahalaan ayon satinutukoy sa badyet .Dapat itakda sa batas ang anyo,nilalalaman at paran ng paghahanda ng badyet

seksiyon 5 (25)(2)Hindi dapat mapaloob ang anomang tadhana o pagsasabatas sa panukalang batas ng pangkalahatang laang gugulin  matangi kung ito ay tumutukoy sa isang partikular  na laang gugulin doon. Ang anomang gayong tadhana o pagsasabatas ay dapat sumaklaw sa titutukoy na laang gugulin

  seksiyon 5 (25)(3) Ang pamamaraan sa pagtitibay ng mga laang gugulin para sa Kongreso na dapat ay sumunod na mahigpit tulad ng sa pamamaraan ng pagpapatibay ng mga laang gugulin para sa iba pang mga kagawaran at sangay

seksiyon 5 (25)(4)Ang mga tanging panuikalang batas  ng laang gugulin ay dapat tumukoy sa layuning pinag uukulan nito at dapat tustusan ng mga pondong aktwal na magagmit na pinatunayan ng Pambansang ingat-yaman o lilikumin sa pamamagitan ng kani kanilang panukalang rentas na nakaploob doon.;”treasurer national treasure”;     

seksiyon 5 (25)(5)Hindi dapat magpatibay ng isang batas na magpapahintulot ng anomang paglilipat ng mga laang gugulin gayonman ang Pangulo ang Pangulo ng Senado ang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang Punong Mahistrado ng Kataas taasang Hukuman at ang mga puno ng mga Komisyon ng Konstitusyonal ay maaring pahintulutan  sa pamamagitan ng batas na dagdagan ang alinmang aytem sa panukalang batas  nang pangkalahatang mga laang gugulin ukol sa kani kanilang tanggapan  mula sa natipid sa ibang mga aytem(stock) nang kani kanilang mga laang gugulin.

seksiyon 5 (25)(6)Ang mga pondong diskresyonaryo na inilaan para sa partikular na mga opisyal ay dapat na ipambayad lamang ukol sa mga layuning pambayan  na patutunayan ng nararapat  na mga botser  at sa ilalim ng mga panuntunan  na maaring itakda ng batas

seksiyon 5 (25)(7)Kung sa katapusan ng alinmang taong piskal ang Kongreso ay hindi makapagpapatibay  ng panukalang batas ng pangkahalatang laang gugulin  ukol sa nakaraang taon  piskal ay dapat   ituring na muling  napagtibay at dapat manitiling umiiral  at maybisa hanggang sa magpatibay ng Kongreso ang panukalang bats  ng pangkalahatang mga laang gugulin 

seksiyon 5 (26)(1)Ang bawat panukalang batas na pinagtibay ng Kongreso ay dapat sumaklaw sa isang paksa lamang na dapat nakalahad sa pamagat nito

seksiyon 5 (26)(2)Hindi dapat maging batas ang anomang panukalang batas  na pinagtibay ng alinmang Kapulungan matangi kung ito ay mapagtibay sa talong pagbasa  sa magkakahiwalay na araw at ang nakalimbag na mga sipi nito sa pangwakas na anyo ay naipamahagi na sa mga Kagawad nito tatlong araw bago magpatibay ito ,maliban kung ang Pangulo ay magpapatunay sa pangangailangan ng madaliang pagsasabatas nito upang matugunan ang isang pambayang kalamidad o kagipitan”calamity fund” . Sa huling pagbasa  ng isang panukalang batas  hindi dapat payagan ang anomang susog dito at ang pagbobotohan hinggil dito ay isasagawa kagyat pagkaran nito at itatala sa Journal ang mga Oo at mga HIndi

seksiyon 5 (27)(1)Ang bawat panukalang batas na magpapatibay  ng Kongreso ay dapat na iharap sa Pangulo bago maging batas .Dapat niyang lagdaan ito kung sinasang ayunan niya kung hindi dapat niyang betohin at ibalik na kalakip ang kanyang mga  tutol sa Kapulungan pinanggalingan nito na dapat magpasok ng mga tutol sa kabuuan ng katitikan  nito at muling isa alang alang ang panukalang batas .Kung pagkaraan ng gayong muling pag sa alang alang ang dalawang katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungan iyon ay magkaisang pagtibayin  ang panukalang batas .Ito ay dapat ipadala kalakip ang mga tutol sa kabilang Kapulungan  upang muling isa alang alang niyon at kung pagtibayin ng dalawang katlo ng lahat ng mga Kagawad  ng Kapulungang niyon  itoy magiging batas. Sa lahat ng gayong mga pangyayari  ang mga boto ng bawt Kapulungan ay dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng mga Oo o Hindi at dapat itala sa Journal nito ang mga pangalan ng mga Kagawad  na bumoto ng ayon o salungat .Dapat ipabatid ng Pangulo ang kanyang pagbeto sa alinmang panukalang batas sa Kapulungan pinanggalingan nito  sa loob ng talongpung araw matapos matanggap ito at kung hindi  ito ay dapat maging batas na para na ring nilagdaan niya

seksiyon 5 (27)(2)Dapat magkaroon ang Pangulo ng kapangyarihan bumeto ng anomang partikular na aytem o mga aytem sa isang panukalang batas rentas o tarpa  ngunit hindi dapat magkabisa ang beto sa aytem  o mga aytem na hindi niya iinututulan 

seksiyon 5 (28)(1) Dapat na maging pantay pantay at makatarungan ang tuntunin sa pagbubuwis .Dapat bumalangkas ang Kongreso ng isang paunlad na sistema ng pagbubuwis

seksiyon 5 (28)(2)Ang Kongreso sa pamamagitan ng batas ay maaring magpahintulot sa Pangulo na magtakda sa loob ng mga tiyak na hangganan at sa ilalim ng mga katakdaan at sa paghihigpit na maaring ipataw nito mga singil sa taripa mga kota sa import at export mga bayad sa tonnage at mga pagdaong at iba pang mga bayarin  o singilin sa loob ng balangkas  ng programa  ng Pamahalaan ukol sa pambansang pagpapaunlad”bill of rights “telephone internet bill 500 +800

seksiyon 5 (28)(3)Dapat malibre sapagbabayad ng buwis ang mga institusyon pangkawanggawa mga simbahan at mga rektorya  o mga kumbento na kaugnay nito ,mga mosque di pangnegosyong mga sementeryo at lahat ng mga lupain mga gusali at mga mehora na aktwal tuwiran at tanging gamit  sa mga layuning pangrelihiyon pangkawanggawa o pangedukasyon

seksiyon 5 (28)(4)Hindi dapat magpatibayng batas na magkakaloob ng anomang pagkalibre sa buwis nang walang pagsng ayon ng mayorya ng lahat ng mga Kagawad ng Kongreso

seksiyon 5 (29)(1) Hindi dapat magbayad ng salapi mula sa Kahang Yaman maliban kung ito ay ayon sa laang gugulin isinagawa sa pamamagitan ng batas 

seksiyon 5 (29)(2)Hindi kailanman dapat ilaan  iukol ibayad o gamitin ang anomang salapi  o ari ariang pambayan sa tuwiran o di tuwiran para sagamit ,pakinabang o tangkilik sa anumang sekta  simbahan denominasyon institusyong sektoryan, o sistema ng relihiyon o sa sinomang pari pastor ministro o iba pang mga guro o dignitaryo ng mga relihiyon bilang gayon maliban kung ang gayong pari pastor ministro o dignitaryo ay nakatalaga sa sandatahang lakas  o sa alinmang institusyong penal o ampunan o leprosaryum ng pamahalaan

seksiyon 5 (29)(3)Ang lahat ng salapi na nalikom sa anomang buwis na ipinataw para sa isang tangng layunin ay dapat na ituring na isang pondo at dapat ipambayad sa layuning iyon;”levie fund”butaw; lamang Kung tapos na o itinigil  ang layuning kinaukulan ng likha ng tanging pondo ang balanse kung mayroon ay dapat ilipat sa pangkalahatang mga pondo ng Pamahalaan

seksiyon 5 (30)Hindi dapat magpatibay ng batas na nagdaragdag sa hurisdiksyon sa paghabol ng Kataas taasang Hukuman na itinadhana ng Konstitusyon ito nang walang tagubilin at pag sang ayon nito

seksiyon 5 (31)Hindi dapat magpatibay ng batas  na nagkakaloob ng titulo ng pagkahari o pagkamaharlika

seksiyon 5 (32)Dapat magtadhana ang Kongreso,sa laong madaling panahon ng isang sistema ng pagpapatiuna at referendum  at ng mga katiwalisan doonupang ang mga mamamayan ay tuwirang makapagpanukala  at makagawa ng batas o makapagpatibay o makatanggi  sa anumang batas o bahagi  nito na pinagtibay  ng Kongreso o ng lokal na kalipunang pangkapulungan  pagkaraang maipatala  ang petisyon doon sa nilagdaan ngsampung porsiyento man lamang ng kabuuang bilang ng mga rehistradong botante na ang bawat purok  pangkapulungan ay kinakailangan katawanin ng talong porsiyento man lamang ng mga rehistradong botante niyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento