Lunes, Agosto 16, 2021

konstitusyon ng pilipinas artikulo 18

 mga tadhanang lilipas

seksiyon 1 ang unang halalan ng mga kagawad ng kongreso sa ilalim ng konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang lunesng mayo 1987 ang unang halalang lokal ay dpat iraos sa petsang iatatakda ng pangulo na maaaring kasabay ng halalan ng mga kagawad ng kongreso  dapat isabay dito ang halalan ng mga kagawad  ng mga sanguniang panlungsod  o pambayan  sa metropolitan manila area 

seksiyon 2 ang mga senador mga kagawad ng kapulungan ng mga kinatawan at ang pinunonng lokal na unang inihalal sa ilalim ng konstitusyong ito ay dapatmanungkulan hanggang sa katanghalian ng hunyo 30 1992 sa mga senador na mahahalal sa halalan sa 1992 ang unang labindalawa na magtatamong pinakamataas  na bilang  ng mga  boto ay dapat manungkulan sa loob ng anim na taon  at ang nalalbing labindalawa na senador sa loob ng talong taon

seksiyon 3 ang lahat ng umiiral na batas mga dekri mga kautusang tagapagpaganap  mga proklamasyon mga liham tagubilin at iba pang mga pahayag tagapagpaganap na hindi salungat sa konstitusyong ito ay mananatiling ipinatutupad  hanggat hindi sinususugan  pinawawalang bisa io pinawawalang sayasay 

seksiyon 4 ang lahat ng umiiral ng kasunduang bansa o mga kasunduang international na hindi naratipikahan ay hindi dapat irenyu o palugitan nang walang pag sang ayon ng dalawangkatlo  man lamang ng lahat ng mga kagawad ng senado

seksiyon 5 ang anim na taong taning na panahon ng panunungkulan ng kasalukuyang pangulo  at panaglawang pangulo na nahalal sa halalan noong pebrero 7 1986 para sa layunin ng singkronisasyon ng halalan ay pinalulugitan sa pamamagitan nito hanggang sa katanghalian ng hunyo 30 1992 ang unang regular na halalan para sapangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang lunes ng mayo 1992

seksiyon 6 ang kasalukuyang pangulo ay dapat magpatuloy sa pagtupad ng kapangyarihang tagapagbatas hanggang sa pulungin ang unang kongreso

seksiyon 7 hanggat hindi nagpapagtibay ng batas maaaring humirang ng pangulo mula sa isang listahan ng mga nomini ng kinauukulang sektor ng mga hahahwak sapuwestong nakalaan para sa mga kinatawang sektoral sa ilalim ng talataan  2 seksiyon 5 ng artikulo 6 ng konstitusyong ito 

seksiyon 8 hanggat hindi nagtatdhana ng naiiba ang kongreso maaaring likhain ng pangulo ang metropolitan  authority na kakabilangan ng mgapuno ng lahat ng mga yunit ng pamahalaang lokal na bumubuo sa metropolitan manila area

seksiyon 9 dapat magpatuloy sa pag iiral at pagkilos ang mga sublalawigan  hanggat hindi nagagawang regular nalalawigan  o hindi naibabalik ang mga bayang component nito sa inang lalawigan

seksiyon 10 ang lahat ng mga umiiral na hukumang sa panahon ng ratipikasyon  ng konstitusyong ito ay patuloy na tutupad  ng kanilang hurisdiksyon hanggat hindi nagtatakda ng naiiba ang batas ang mga tadhana ng umiiral na mga alituntunin ng hukuman mga aktang panghukuman at mga batas prosidyural  na hindi salungat sa konstitusyong ito ay mananatiling ipinatutupad hanggat hindi sinususugan o pinawawalang bisa ng kataas taasang hukuman o kongreso 

seksiyon 11 ang kaslukuyang mga kagawad ng judiciary ay dapat magpatuloy sa panunumgkulan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpong taon  o mawalan ng kakayahang tumupad sa mga tungkulin ng kanilang katungkulan o tanggalin sa panunumgkulan nang may kadahilanan

seksiyon 12 sa loo ng isang taon pagkaraan maratip[ikahan ang konstitusyong ito ang kataas taasang hukuman ay kinakailangan maglagda ng isang sistematikong plano upang madali ang pagpasya o resolusyon sa mga kaso o mga bagay bagay na nabibimbin sa katas taasang hukuman o sa mga nakababang hukuman bago magkabisa ng konstitusyong  dapat magpasunod ng katularing plano para sa lahat ng mga tanging hukuman at mga kalupunang mala panghukuman

seksiyon 13 ang epektong legal na pagkalaos bago maratipikahan ang saligang batas  na ito ng aplikableng panahon para sa pagpapasya  o resolusyon ng mga kaso  o mga bagay bagay na idinulog para hatulan ng mga hukuman ay dapat determinahin  ng kataas taasang hukuman sa lalong praktikableng panahon pagkaraang maratipikahan ang konstitusyong ito

seksiyon 14  ang mga tadhana ng mga talaan  3 at 4 ng seksiyon 15 ng artikulo 8  ng konstitusyong ito ay dapat sumaklaw sa mga kaso o mga bagay bagay na idinulog bago maratipikahan ang konstitusyong ito kapag ang aplikableng panahon ay malalaos pagkaraan ng gayong ratipikasyon 

seksiyon 15 ang kasalukuyang mga kagawad ng komisyon ng serbisyo sibil  komisyon sa halalan at komisyon sa awdit ay dapat magpatuloy sa panunungkulan sa loob ng isang taon pagkaraang maratipikahan ang konstitusyong ito  matangi kung maalis ng lalong maaga bunga ng makatwirang kadahilanan  o mabalda  upang di na magampanan ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan  o mahirang sa bagong taning ng panunungkulan doon  kailanman ang sinomang kagawad ay hindi dapat maglingkod nang matagal kaysa pitong taon kasama ang paglilingkod bago maratipikahan ang konstitusyong ito 

seksiyon 16 ang mga kawani  ng career civil service na itinawalag sa lngkuran nang hindi sa makatwirang kadahilanan kundi bilang resulta  ng reorganisayon  na naalinsunod sa proklamasyong blg 3 na may  petsang march25 1986 at ng reorganisasyong kasunod ng ratipikasyon ng konstitusyong ito ay dapat tumanggap ng nararapat na sahod sa pagkatiwalag at mga benepisyo sa pagreretiro at ang iba pang mga benepisyo na nauukol sa kanila sa halip nito sa opsyon ng mga kawani sila ay maaaring isa alang alang para maemploy sa pamahalaan o sa alinman sa bahagi  mga instrumentaliti o mga ahensiya nito kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan at kanilang mga subsidyari sumasaklaw  rin ang tahanang ito sa career officers na ang pagbibitiw ay tinaggap nang naalinsunod sa umiiral na patakaran

seksiyon 17 hanggat hindi nagtatadhana ng naiiba ang kongreso ang pangulo ay dapat tumanggap ng sahod na talong daang  libong piso sa isang taon ang pangalawang pangulo ang pangulo ng senado ang ispiker ng kapulungan ng mga kinatawan at ang punong mahistrado  ng katas taasang hukuman dalawang dat apatnapung libong piso bawat isa ang mga senador ang mga kagawad ng kapulungan  ng mga kinatawan ang mga kasamang mahistrado ng katas taasang hukuman at ang mga tagapangulo ng mga komisyong konstitusyonal dalawang dat apatnapung libong piso  bawat isa at mga kagawad ng komisyong konstitusyonal  isang daat walongpong libo bawat isa  BAWAT TAON?

seksiyon 18 sa pinakamaagang posibleng panahon dapat itaas ng pamahalaan ang antas ng sahod ng iba pang opisyal at mga kawani ng pamhalang pambansa

seksiyon 19 ang lahat ng mga ari arian mga rekor kagamitan mga gusali mga pasilidad at iba pang mga ari arian ng alinmang tanggapan  o kalupunan na binuwag o nireorganisa sa ilalim ng proklamasyong bilang 3 na may petsang march 25 1986 o ng konstitusyong ito ay dapat ilipat sa tanggapn o kalupunan na kinauukulan na kinauukulan ng malaking bahagi ng mga kapangyarihan  ga gawain at mga pananagutan nito

seksiyon 20 dapat pag ukulan ng prayoriti ng unag kongreso  ang pagtatakda ng panahon para sa lubos na pagpapatupad ng libreng pambayan ng edukasyong sekondarya 

seksiyon 21 dapat magtadhana ang kongreso ng mabisang prosidyur at sapat na mga remedyo para sa rebersyon sa estado ng lahat ng mga lupaing aring bayan at mga karapatang real na kaugnay niyon na nakuha nang labag sa konstitusyon o sa mga batas sa lupaing pambayan "boundaries"  o sa pamamagitan ng corrupt practices hindi dapat ipahintulot ang paglilipat o disposisyon ng gayong mga lupain o mga karapatang real hangat hindi lumilipat ang isang taon mula sa ratipikasyon ng konstitusyong ito

seksiyon 22 sa pinaka maagang posibleng panahon dapat iyekspropreyt ng pamahalaan ang tiwangwang o pinabayaang mga lupain pang agrikultura gaya ng maaaring pagpapakahulugan ng batas para maipamahagi sa mga benipisyo ng programa sa agrarian reform 

seksiyon 23 ang mga advertaysing entiy na apektado ng talaan  2 seksiyon 11 ng artikulong 16 ng konstitusyong ito ay  bibigyan ng limang taon mula sa ratipikasyon nito na tumupad nang bai baitang at sa baseng proporsyonal sa minimum na pagmamay aring pilipino na kinakailangan para roon

seksiyon 24 dapat lansagin ang mga pribadong army at iba pang armadong pangkat na hindi kinikilala ng awtoridad  na itinatag gaya ng nararapat ang lahat ng pwersang para militar  kabilangang civilian home defence forces na hindi naayon sa armadong hukbo ng mga mamamayan na itinatag ng konstitusyong ito ay dapat buwagin  o gawin saan man naangkop na mga hukbong regular 

seksiyon 25 sa pangwakassa 1991 ngkasunduan ng republika ng piipinas at ng united states of amerika tunkol sa base militar ang mga dayuhang base militar  mga tropa o mga pasilidad ay hindi dapat pahintulutan sa plipinas  maliban sa ilalim ng mga  termino ng kasunduang bansa na kinatigan gaya ng   nararapat ng senado at kung hinihingi ng kongreso ay niratipikahan sa pamamagitan ng mayoryang boto ng mga mamamayansa isang referendum na iniraos para sa layuning iyon at kinikilalang kasunduang bansa ng kabilang panig nanakikipagkasunduang estado

seksiyon 26 ang anomang awtorida sa pagiisyu ng sikwestresyon  o atas sa pagpigil sa ilalim ng proklamasyon blg 3 may petsang march 25 1986 kaugnay sa pagbawi ng kayamanang nakuha sa masamang paraan ay mamamalaging ipinatutpad sa loob ng hindi hihigit sa labingwalong buwan pagkaraan na maratipikahan ang konstitusyong ito  gayunman para sa kapakanang pambansa gaya ng pagkasertipika ng pangulo maaring palugitan ng kongreso ang naturang panahon

ang order sa sikwestresyon o pagpigil ay dapat lamang iisyu pagkapakita ng kasong prima facie ang order at ang listahan ng mga ariariang sinekwester  o pinigil ay dapat irehistro kasunod niyon sa mga kaukulang hukuman  ukol sa mga order na inisyu bago maratipikahan ang konstitusyong ito dapat iharap ang kaukulang aksyon o kaparaanang panghukuman sa loob ng anim na buwan mula sa ratipikasyon nito tungkol sa mga inisyu pagkaraan ng gayong ratipikasyon  ang aksyon o kaparaanang panghukuman aydapat iharap sa loob ng anim na buwan mula sa pagkaisyu niyon

ang sikwestresyon o atas sa pagpigil ay itinuturing na awtomatikong binawi  kung walang sinimulang aksyon  o kaparaanang panghukuman  ayon sa tinakda rito

seksiyon 27 ang konstitusyong ito ay dapat kagyat na magkabisa sa sandaling maratipikahan ng mayoryang boto sa isang plebisito na itinawag para sa layuning iyon at dapat pumalit sa lahat ng naunang mga konstitusyon

        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento