Huwebes, Agosto 12, 2021

konstitusyon ng pilipinas

 artikulo isa  Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas

kasamaang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas,nabinubuo ng mga kalupaan,katubigan,at himpapawirin nito,kasama ang dagat teritoryal,ang lalim ng dagat angkailaliman ng lupa ,ang mga kalapagang insular, at iba pang mga pook,submarina nito,ang mga karagatang nakapaligid,nakapagitan at nag uugnay sa mga pulo ng kapuluan,maging anoman ang lawak at mga dimensyon ay nagaanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas (1986)


artikulo dalawa pahayag na simulain at mga patakaran ng estado

seksiyon 1 Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokrasya.Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan

seksiyon 2 Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa,tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas international na kinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng kapayapaan,pakakapantay pantay,katarungan,kalayaan,pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa.

seksiyon 3  Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaibabaw ng sa militar sa lahat ng panahon.Ang sandatahang lakas  ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at Estado.Ang layunin nito ay seguruhin ang ganap na kapangyarihan ng Estado at ang Integridad ng pambansang teritoryo

seksiyon 4 Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.Maaring tawagan ng pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanngol ang Estado, at sa ikakatupad niyon,ang lahat ng mga mamamayan ay maaring atasan ,mgahandog  ng personal na serbisyo militar o sibil sa ilalim ng mga kondisiyong itinakda ng batas

seksyon 5 Dapat sundin ng Estado ang pananatili ng kapayapaan  at kaayusan ,angpangangalaga sa buhay ,kalayaan at ari arian ,at ang pagtataguyod sa kagalingang panlahat upang matamasa ng buong sambayanan ang mga biyaya ng demokrasya

seksiyon 6 Hindi dapat labagin ang pakakahiwlay ng simbahan at Estado. ;“pondo”km0ab;

mga patakaran ng estado

seksiyon 7 Dapat sundin ng Estado ang isang malayang patakarang panlabas.Sa mga pakikipag ugnay nito sa ibang mga Estado,dapat unang unang isa alang alang ang ganap na kapangyarihang pambansa,integridad na teritoryal,kapakanang pambansa at ang karapatan sa sarlling pagpapasya

seksiyon 8 Tinatanggap at sinusunod ng Pilipinas, nang alingsunod sa kapakanang pambansa,ang patakarang malaya laban sa pagkakaroon ng mga sandatang nuklear sa teritoryo nito

seksiyon 9 Dapat itaguyod ng Estado ang makatwiran at dinamikong kaayusang panlipunan na titiyak sa kasaganaan at kasarinlan ng bansa at magpapalaya sa sambayanan laban sa  kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang nagtatakda na sapat na mga lingkurang panlipunan,nagtataguyod ng pagkakataon na makapag hanabuhay ang lahat,umaangat na istandard ng pamumuhay at nang lalong mainam na  uri ng buhay para sa lahat

seksiyon 10 Dapat itaguyod ng Estado ang katarungang panlipunan sa lahat ng mga yugto ng bansang pagpapaunlad

seksiyon 11 Pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao  at ginagarantiyahan  ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao

seksiyon 12 Kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyong panlipunan.Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi.Ang likas na pangunahing karapatan at tungkulin ng mga magulang sa pagmumulat sa kabataan para sa kahusayang sibiko at pagpapaunlad ng karakter na moral ay dapat tumanggap ngtangkilik ng Pamahalaan “GMRC”

seksiyon 13 Kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng kabataan sa pagbuo ng bansa at dapat magtaguyod at mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal ,moral,ispiritwal,intelektuwal at sosyal.Dapat nitong ikintal sa kabataan ang pangmakabayan,nasyonalismo at pasiglahin ang paglahok nila sa mga gawaing pambayan at sibiko

seksiyon 14 Kinikilala ng Estado ang tungkulin ng kababaihan sa pagbuo ng bansa at dapat seguruhin ang saligang pagkakapantay pantay ng kababaihan at kalalakihan

seksiyon 15 Dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang pangkalusugan sa kanila “health center”

seksiyon 16 Dapat pangalagaan  at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais nais na ekolodyi nang naaayon sa aluy oy attugma ng kalikasan 

seksiyon 17 Dapat mag ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon ,siyensya at teknolohiya,mga sining ,kultura,at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo ,mapabilis ang kaunlarang panlipunan at magtaguyod ang ganap na pagkalaya at pag unlad ng tao

seksiyon 18 Naninindigan ang Estado na ang paggawa ay isang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng lipunan.Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang kanilang mga kagalingan

seksiyon 19 Dapat bumuo ng Estado ng pambansang economiyang nakatatayo sa sarili atmalaya sa epektibong kinukontrol ng mga Pilipino “NEDA”

seksiyon 20 Kinikilala ng Estado ang napakahalagang gampanin ng pribadong sektor,pinasisigla ang pribadong negosyo at nagbibigay ng mga insentibo sa kinakailangang pamumuhunan “income tax return”

seksiyon 21 Dapat itaguyod ng Estado ang komprehensibong pagpapaunlad na pangnayon at repormang agrariyan “DAR”

seksiyon 22 Kinikilala at itinataguyod ng Estado angmga karapatan ng mgakatutubong pamayanang kultural sa loob ng balangkasngpambansang pagkakaisa at pag unlad “indigeneous”

seksiyon 23 Dapat pasiglahin ng Estado ang mga organisasyong di pampamahalaan saligpamayanan o sektor na nagtataguyod ng kagalingan ng bansa ;“NGO”king and queen ;

seksiyon 24 Kinikilala ng Estado ang napakahabang gampanin ng komunikasyon atimpormasyon sa pag buo ng bansa

seksiyon 25      Dapat seguruhin ng Estado ang awtonomi ng pamahalaang lokal; “regional”governor;

seksiyon 26 Dapat seguruhin ng Estago ang pantay na pag uukol ng mga pagkakataonpara sa lingkuran pambayan at ipagbawal angmgadinastiyang pulitikalayon sa maaaring ipakahulugan ng batas “bbb”

seksiyon 27 Dapat pamalagiin ng Estado ang pagkamatapat at pagkamarangal sa lingkurang pambayan at mgsagawa ng positibo at epektibong mga hakbangin laban sa graft and coruption “ombudsman”

seksiyon 28  Batay sa makatwirang mga kondisyong itinakda ng batas,inaangkin at ipinatutupad ng Estado ang patakarang lubos na hayagang pagsisiwalat ng lahat ng mga tansaksiyon nito na kinapapalooban ng kapakanang pambayan”transparency”


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento