ang pamilya
seksiyon 1 kinikilala ng estado ang pamilyang pilipino na pundasyon ng bansa sa gayon dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na pag unlad niyon
seksiyon 2 ang pag aasawa na di malalabag na institusyong panlipunan ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaan ng estado
seksiyon 3 dapat isanggalang ng estado
seksiyon 3 (1) ang karapatan ng mga mag asawa na magpamilya nang naayon sa kanilang mga pananalig na panrelihiyon at sa mga kinakailangan ng responsableng pagpapamilya
seksiyon 3 (2) ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga kasama ang wastong pag aalaga atnutrisyon at natatanging proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya pag aabuso pagmamalupit pagsasamantala at iba pang kondisyong nakakapinsala sa kanilang pag unlad
seksiyon 3 (3) ang karapatan ng pamilya sa sahod at kita na sapat ikabuhay ng pamilya at
seksiyon 3 (4) ang karapatan ng mga pamilya o mga asosayon nito na lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran at mga programa na nakakaapekto sa kanila
seksiyon 4 ang pamilya ay may tungkulin kalingain ang matatandang mga miyembro nito ngunit maaari ring gawin ito ng estado sa pamamagitan ng makatarungang mga pamaraan ng kapanatagang panlipunan
artikulo 16
mga tadhanang pangkalahatan
seksiyon 1 ang bandila ng pilipinas ay dapat na pula putiat bughaw na may isang araw at tatlong bituin na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas
seksiyon 2 ang kongreso sa pamamagitan ng batas ay maaaring magpatibay ng isang bagong pangalan ng bansa isang pambansang awit o isang pambansang sagisag na pawang tunay na naglalarawan at sumisimbulo ng mga mithiin kasaysayan at mga tradisyon ng sambayanan ang nasabing batas ay dapat magkabisa lamang pagkaratipika ng sambayanan sa isang pambansang reperendum
seksiyon 3 hindi maaaring ihabla ang estado nang wala itong pahintulot
seksiyon 4 ang sandatahang lakas ng pilipinas ay dapat buuin ng isang armadong pwersa ng mga mamamayan na sasailalim ng pagsasanay militar at maglilingkod ayon sa maaaring itadhana ng batas ito ay dapat magpanatili ngisang regular na pwersang kinakailangan para sa kaseguruhan ng estado
seksiyon 5 (1)ang lahat ng mga myembro ng sandatahang lakas ay dapat manumpa nang taimtim o magpatotoo na ipagsasanggalang at ipagtatanggol ang konstitusyong ito
seksiyon 5 (2) dapat patatagin ng estado ang diwang makabayan at ang makabansang kamalayan ng militar at paggalang sa mga karapatan ng mga mamamayan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin
seksiyon 5 (3) ang propesyonalismo sa sandatahang lakas at sapat na remunerasyon at mga benepisyo ng mga myembro nito ang dapat maging pangunahing kaabalahan ng estado ang sandatahang lakas ay dapat mabukod sa mga pulitikang partisan walang sino mang myembro ng militar ang dapat na tuwiran o di tuwirang makilahok sa alin mang gawaing pampulitikang partisan maliban sa pagboto
seksiyon 5 (4) ang sino mang kaanib ng sandatahang lakas na nasa aktibong paglilingkod ay hindi dapat hirangin o italaga saalinmang tungkulin sa isang katungkulang sibilyan sa pamahalaan gayon din sa mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o sa alinmang sangay nila
seksiyon 5 (5) hindi dapat ipinahihintulot ng mga batas sa pagreretiro ng mga pinunong militar ang pagpapalugit sa kanilang paglilingkod
seksiyon 5 (6) ang mga pinuno at mga tauhan ng regular na pwersa ng sandatahang lakas ay dapat recrutin nang proporsyonal mula sa lahat ng mga lalawigan at mga lungsod hanggat maaari
seksiyon 5 (7) ang panunungkulan ng chief of staff ng sandatahang lakas ay hindi dapat lumampas sa talong taon gayonman sa panahon ng digmaan o iba pang kagipitang pambansa na ideneklara ng kongreso maaaring palugitan ng pangulo ang gayong panunungkulan
seksiyon 6 dapat magtatag at magpanatili ang estado ng isang pwersa ngpulisya na pambansa ang saklaw at sibilyan ang uri ng pangangasiwaan at pamamahalaan ng isang pambansang komisyon ng pulisya ang awtoridad ng mga tagapagpaganap na lokal sa mga yunit ng pulisya sa kanilang hurisdiksyon ay itatadhana ng batas
seksiyon 7 ang estado ay dapat maglaan ng kagyat at sapat na pangangalaga mga benipisyo at iba pang mga anyo ng tulong sa mga beterano ng digmaan at mga betereno ng mga kampanyang militar kanilang mga balo at mga naulila dapat ilaan ang mga pondo para rito at ang nararapat na pagsasaalang alang ay dapat ipagkaloob sa kanila sa disposisyon para rito ng mga pambayng lupaing sakahan at sa nararapat na kalagayan sapagsasagamit ng mga likas na kayamanan" national treasure "
seksiyon 8 upang mapataas ang mga pensyon at iba pang mga benepisyong nararapat kapwa sa mga retirado ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor ito ay dapat rebyuhin ng estado sa panapanahon
seksiyon 9 dapat pangalagaan ng estado ang mga consumer laban sa mga katiwalian sa kalakalan at sa mga sub standard o mapanganib na mga produkto
seksiyon 10 dapat mag laan ng estado ng patakarang pangkapaligiran para sa lubusang pagpapaunlad ng kakayahang pilipino at sa paggitaw ng mga instrakturang pangkomunikasyon na angkop sa mga pangangailangan at sa mga lunggatiin ng bansa at ng timbang na daloy ng impormasyon sa loob at labas ng bansa batay sa patakaran na gumagalang sa kalagayan ng pananalita at ng pamahayagan
seksiyon 11 (1) ang pag mamay ari at pamamahala ng mass media ay dapat na limitado lamang sa mga mamamayan ng pilipinas o sa mga korporasyon mga kooperatiba o mga asosasyong ganap na ari at pinamamahalaan ng gayong mamamayan
dapat regulahin o ipagbawal ng kongreso ang mga monopoli sa komersyal na mass media kapag hinihingi ng kapakanang pambayan hindi dapat pahintulutan ang mga kombinasyong pumipinsala sa kalakalan o sakompitensyang di makatwiran
seksiyon 11 (2) angindustria ng adbertaysing na nakikintalan ng kapakanang pambayan ay dapat regulahin ng batas para sa proteksyon ng mga konsyumer at sapagtataguyod ng kagalingang panlahat ang mga mamamayan o mga mga korporasyon o mga asosasyong pilipino lamang na pitumpong porsyento man lamang ng kapital ay ari ng gayong mga mamamayan ang pahihntulutang pumasok sa industriya ng adbertaysing
ang paglahok ng mga dayuhang mamumuhunan sa namamahalang mga kalupunan ng mga entity sa nasabing industriya ay limitado sa kanilang katumbas na sapi sa puhunan niyon at lahat ng mga pinunong tagapagpaganap at tagapamahala ng nasabing mga entity ay kinakailangang mga mamamayan ng pilipinas
seksiyon 12 ang kongreso ay maaaring magtatag ng isang kalupunang magpapayo sa pangulo tungkol sa mga patakarang may kinalaman sa mga katutubong pamayanang kultural na mula sa naturang mga pamayanan ang nakararami sa kanila
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento