Sabado, Agosto 14, 2021

konstitusyon ng pilipinas artikulo 10

  pamahalaang lokal

 mga tadhanang pangkahalatan

seksiyon 1 ang mga subdibisyong teritoryal at pulitikal ng republika ng pilipinas ay ang mga lalawigan mga lungsod mga bayan at mga baranggay dapat magkaroon ng mga rehiyong awtonimous sa muslim mindanao at sa mga cordillera (sungka=region 1 to 17 plus 1punong mahistrado=king arthur)ayon sa itinadhana rito

seksiyon 2 ang mga subdibisyong teritoryal at pulitikal ay dapat magtamasa awtonoming lokal (km0B)

seksiyon 3 ang kongreso ay dapat magsabatas ng isang kodigo ng pamahalaang lokal (BBB) na dapat magtadhana  ng balangkas ng pamahalaang lokal ng kanilang mga kapangyarihan  mga pananagutan na itinatag sa pamamagitan ng isang sistema ng decentralisasyon na may mabisang pamamaraan  ng pagbawi ng katungkulan pagpapatiuna at reperendum mag ayaw ayaw sa ibat ibang yunit ng pamahalang lokal ng kanilang mga kapangyarihan mga pananagutan at mga mapagkukunang batis  at magtatadhana ng mga katangian paghahalal paghirang at pag aalis taning ng panunungkulan  mga sweldo mga kapangyarihan at gawain at mga tungkulin ng pinunong lokal at lahat ng iba pang mga bagay bagay na may kaugnayan sa kabuuan  at pagpapakilos ngmga yunit na lokal

seksiyon 4 ang pangulo ng pilpinas ay dapat tumupad ng pangkahalatang superbisyon sa mga pamahalaang lokal dapat seguruhin ng mga lalawigan ang mga lungsod at mga bayng nakapaloob sa mga ito ng mga lungsod at mga bayan ang mga baranggay na nakapaloob  sa mga ito  na gaganap ng kanilang mga kapangyarihan at mga gawain ayon sa pagkakatakda 

seksiyon 5 dapat magkaroon ang bawat yunit ng pamahalaang lokal ng kapangyarihan lumikha ng mga sariling mapagkukunan nito ng kita at magpataw ng mga buwis butaw at singilin sa ilalim ng mga panuntunan at katakdaang maaaring itadhana ng kongreso na naalinsunod sa saligang patakaran ng awtonomiyang lokal  ang gayong mga buwis butaw at singilin ay dapat mapunta sa mga pamahalaang lokal lamang (provincial housing=pag ibig butaw) 

seksiyon 6 dapat magkaroon ang mga yunit   ng pamahalaan lokal ng makatwirang kaparte ayon sa itatakda ng batas sa mga pambansang buwis na dapat kusang ipalabas para sa kanila

seksiyon 7 dapat na may karapatan ang mga pamahalaang lokal sa karampatang parte sa mga bunga ng paggamit at paglinang ng kayamanang pambansa  na nasa kani kanilang mga lugar  sa paraang itatakda ng batas  kabilang ang pagbibigay  ng kaparte sa mga naninirahan sa pamamagitan ng mga tuwirang benipisyo 

seksiyon 8 ang taning na panahon ng panunungkulan ng mga halal na pinunong lokal  maliban sa pinuno ng barangay  na itatakda ng batas ay dapat sa tatlong taon at hindi makapanunungkulan ang sinumang gayong pinuno nang mahigit sa tatlong magkasunod na taning  ng panunungkulan ang boluntaryong pagtalikod sa katungkulan sa anomang tagal ng panahon ay hindi dapat na ituring napagkauntol sa pagpapatuloy ng kanyang paglilingkod  para sa buong taning n panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya

seksiyon 9 ang mga kalupunang lehislatibo ng mga pamahalaan lokal  ay dapat magkaroon ng mga kinatawan sektoral ayon sa maaaring itakda ng batas

seksiyon 10 ang alinmang lalawigan lungsod bayan o baranggay ay hindi maaaring likhain hatiin pagsamahin buwagin  o lubhang baguhin ang hangganan nito  maliban kung naayon sa batayang itinatag ng kodigo  ng pamahalaang lokal at sa pagpapatibay ng mayoryang boto sa isang plebisito sa mga yunit pulitikal  na tuwirang apektado BBB

 seksiyon 11 ang kongreso ay maaring lumikha sa pamamagitan ng batas ng tanging mga metropolitan  na subdibisyong pulitikal (camanava) na sasailalim ng isang plebesito ayon sa itinatakda sa seksiyon 4 nito dapat manatili sa napakaloob  na mga lungsod at mga bayan ang kanilang saligang awtonomi at dapat  na may karapatan sa kanilang sariling mga tagapagpaganap  lokal at mga kapulungang tagapagbatas  ang hurisdiksyon ng awtoridad metropolitan na lilikhain sa gayong parran ay dapat itakda sa mga pangunahing lingkuran na nanganngailangan ng kordinasyon

seksiyon 12  ang mga lungsod na sukdulang urban gaya ng pagtatakda ng batas at ang mga bumubuong lungsod na ang mga karta ay nagbabawal sa kanilang mga botante na bumoto para sa mga halal na pinuno ng lalawigan  ay dapat maging malaya sa lalawigan ang mga botante ng mga bumubuong lungsod na nakapaloob sa isang lalawigan na ang mga karta ay hindi nagtataglay ng gayong pagbabawal  ay hindi dapat alisan ng kanilang karapatang bumoto para sa  mga halal na pinuno ng lalawigan

seksiyon 13 ang mga yunit ng pamahalaang lokal ay maaaring magsama sama magbuo o magugnay ng mga kanilang pagsisikap mga lingkuran at mgamapgkukunang batis para sa mga layuning kapaki pakinabang sa kanila nang naayon sa batas 

seksiyon 14 dapat maglaan ang pangulo ng mga panrehiyong sanggunian sa pagpapaunlad o iba pang katulad na mga kalupunan na binubuo ng lokal na mga pinuno ng pamahalaan  at ng mga kinatawan mula sa mga organisasyong di pamahalaan (ngo) sa loob ng mga rehiyon para sa mga layuning desentralisasyon  ng mga pangangasiwa upang mapatatag ang awtonomi ng mga yunit doon at upang mapabilis ang pagsulong at pag unlad na pangkabuhayang at panlipunan ng mga yunit sa rehiyon

mga rehiyong awtonomous

seksiyon 15 dapat lumikha ng mga rehiyong awtonomus sa muslim mindanao at sa mga cordillera na binubuo ng mga lalawigan mga lungsod at mga bayan at mga lawak  heograpiko na may panlahat at namumukod na manang kasaysayan at kalinangan mga istrakturang pangkabuhayan at panlipunan at iba pang nauugnay na mga katangian alinsunod sa balangkas ng konstitusyong ito at ng kataas taasang kapangyarihan ng bansa  gayon din ng karangalan teritoryal ng republika ng pilipinas 

seksiyon 16 ang pangulo ay dapat tumupad ng pangkalahatang superbisyon sa mga rehiyong awtonomus upang matiyak na matapat na sinusunod ang mga batas

seksiyon 17 dapat masalalay sa pamahalaang pambansa ang lahat ng mga kapangyarihan  mga gawain at mga pananagutan na hindi ipinagkakaloob ng konstitusyong ito  o ng batas sa mga rehiyong awtonomus

seksiyon 18 ang kongreso ay dapat magsabatas ng isang batayang batas para sa bawat rehiyong awtonomus sa tulong at pakikilahok ng panrehiyong sangguniang komisyon na binubuo ng mga kinatawang hinirang ng pangulo mula sa talaan ng mga nominado ng mga kalupunang multi sektoral dapat tukuyin ng batayang batas ang saligang balangkas ng pamahalaan para sa rehiyon na binubuo ng kagawarang tagapagpaganap at kapulungang tagapagbatas na kapwa dapat  ding magtadhana ng mga tanging hukuman na may hurisdiksyon sa mga batas na personal  pampamilya at pang ariarian  nang naalinsunod sa mga tadhana ng konstitusyong ito at ng mga batas pambansa

dapat magkabisa ang paglikha ng rehiyong awtonomus kap[ag pinag tibay ng mayoryang boto ng mga yunit ng manghahalal sa isang plebesito na tinawag ukol doon  sa pasubali na iyon lamang mga lalawigan  mga lungsod at mga lugar heograpiko  na bumoto ng katig sa  gayong  plebisito ang isasama sa rehiyong awtonomus 

seksiyon 19 dapat magpatibay ng mga batayang  batas ang unang kongreso na inihalal sa ilalim ng konstitusyong ito sa loob ng labindalawang  buwan  simula sa pagkakatatag ng dalawang Kapulungan para sa mga rehiyong awtonomus sa muslim mindanao at sa mga cordillera "lower court higher court"

seksiyon 20 ang batayang batas ng mga rehiyon awtonomus sa loob ng hurisdiksyong teritoryal  nito at sa ilalim ng mga tadhana ng mga kapangyarihang tagapagbatas sa :

1 organisayon pampangasiwaan

2 paglikha ng mga mapagkukunan ng rebenyu

3 mga manang lupain at mga likas na kayamanan

4 mga ugnayang personal pampamilya at pang ari arian

5 panrehiyong pagpaplano para sa pagpapa unlad urban at rural

6 pagpapaunlad na pangkabuhayan panlipunan at panturismo 

7 mga patakarang pang edukasyon 

8 pangangalaga at pagpapaunlad sa manang kalinangan at

9 mga iba pang bagay bagay na maaaring ipahintulot ng batas para sa pagtataguyod ng kagalingang panlahat ng mga mamamayan sa rehiyon

seksiyon 21 ang pag papanatili ng katiwasayan at kaayusan sa mga rehiyon ay dapat na pananagutan ng mga lokal na sangay ng pulisya na isasatatag  tutustusan pangangasiwaan at gagamitin nang naayon sa mga karampatang batas  ang pagtatanggol at seguridad ng mga rehiyon ay dapat na pananagutan ng pamahalaang bansa

         

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento