Lunes, Agosto 16, 2021

konstitusyon ng pllipinas artikulo 17

 mga susog at mga pagbabago

seksiyon 1 ang anumang susog at pagbabago sa konstitusyong ito ay maaaring ipanukala 

seksiyon 1 a ng kongreso sa pamamagitan ng tatlong kapat na boto ng lahat ng nga kagawad nito o

seksiyon 1 b sa pamamagitan ng isang kumbensiyong konstitusyonal  PICC concon

seksiyon 2  ang mga susog sa konstitusyong ito ay maaari ring tuwirang ipanukala sa pangunguna ng mga taong bayan sa pamamagitan ng petisyon ng labindalawang bahagdan man lamang ng kabuuang bilang ng mga rehistradong manghahalal na kinakailangan katawanin ang bawat purok lehislatibo ng talong bahagdan man lamang ng mga rehistradong manghahalal niyon hindi dapat pahintulutan ang anomang susog sa ilalim ng seksiyong ito sa loob ng limang taon kasunod ng ratipikasyon ng konstitusyong ito ni nang malimit kaysa minsan tuwing limang taon pagkatapos noon  dapat magtadhana ng batas ang kongreso ukol sapagsasakatuparan ng paggamit ng karapatang ito 

seksiyon 3 ang kongreso sa pamamagitan ng dalawang katlong boto ng lahat ng mga kagawad nito ay maaring tumawag ng isang kumbensiyon sa mga manghahalal

seksiyon 4 ang anomang susog o pagbabago sa konstitusyong ito sa ilalim ng seksyon 1 nito ay dapat na balido kapag naratipikahan ng nakararaming boto sa isang plebesito na dapt ganapin nang hindi aaga sa animnapung araw at hindilalampas ang siyamnapung araw pagkapagtibay ng gayong mga susog o pagbabago ang anomang susog sa ilalim ng seksiyong 2 nito ay dapat na balido kapag naratipikahan sa bisa ng nakararaming boto sa isang plebesito na daptganapin nang hindi aaga sa  animnapung araw at hindilalampas ang siyamnapung araw pagkatapos ng sertipikasyon sa kasapatan ng petisyon ng komisyon sa halalan 

  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento