pambansang ekinomiya at patrimonya
seksiyon 1 ang mga tunguhin ng pambansang ekonomiya ay higit pang ekwitableng pamamahagi ng mga pagkakataon kita at kayamanan sustinadong pagpaparami ng mga kalakal at mga paglilingkod na likha ng bansa para sa kapakinabangan ng sambayanan at lumalagong pagkaproduktibo bilang susi sa pag aangat ng uri ng pamumuhay para sa lahat lalo na sa kapuspalad dapat itaguyod ng estado ang industrialisasyon at pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat batay sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan sa pamamagitan ng mga industriya na gumagamit ng lubusan at episyente sa mga kakayahan ng tao at likas na mga kayamanan at nakikipagpaligsahan kapwa sa mga pamilihang lokal at dayuhan gayonman dapat pangalagaan ng estado ang mga negosyong pilipino laban sa marayang kompetisyong dayuhan at mga nakamihasnan sa pangangalakal
sa pagsisikap na matamo ang mga tunguhing ito dapat bigyan ng lubos napagkakataong umunlad ang lahat ng mga sektor ekonomiko at mga rehiyon ng bansa dapat pasiglahin ang mga pribadong negosyo pati na mga korporasyon mga kooperatiba at katularing mga lansakang organisayon sa pagpapalawak ng base ng kanilang pagmamay ari
seksiyon 2 ang lahat ng mga lupaing ari ng bayan mga tubig mga mineral karbon petrolyo at iba pang mga lanagis mineral lahat ng mga lakas ng magagamit na enerhiya mga pangisdaan mga kagubatan o mga kahuyan buhay ilang halaman at hayop at iba pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan .denr . dapat sumailalim sa ganap na kontrol at superbisyon ng estado ang paggalugad pagpapaunlad at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan ang mga gawaing ito ay maaaring tuwirang isagawa ng estado at ito ay maaaring makipagkasunduang koproduksyon magkasamang pakikipagsapalaran bakasang produksiyon sa mga mamamayang pilipino o sa mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapong porsiyento man lamang na puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan ang gayong mga kasunduan ay maaaring ukol sa panahong hindi hihigit sa dalamput limang taon na mapapanibago sa hindi hihigit sa dalawamput limang taon at sa ilalim ng mga termino at mga kondisyon na maaaring itadhana ng batas sa kalagayan ng mga karapatan sa patubig panustos tubig mga pangisdaan o mga gamit pangindustriya na iba sa pagpapaunlad ng lakas tubig ang gamit na kapaki pakinabang ang maaaring maging sukatan at katakdaan ng pagkakaloob
dapat pangalagaan ng estado ang mga yamang dagat ng bansa sa mga karagatang pangkapuluan dagat teritoryal at ekslosibo na sonang pangkabuhayan nito at dapat ilaan ang ekslosibong paggamit at pagtatamasa nito sa mamamayang pilipino
maaaring pahintulutan ng kongreso sa pamamagitan ng batas ang maliitang pagsasagamitng mga likas na kayamanan ng mga mamamayang pilipino gayundin ang pangkooperatibang pag aalaga ng isda na ang prayoriti ay sa tawid buhay na mga mangingisda at ng mga manggagawang pang isda sa mga ilog mga lawa mga look at mga dagat dagatan "cooperative bank"
ang pangulo ay maaaring makipagkasunduan sa mga korporasyon aring dayuhan na kinapapalooban ng tulong teknikal o pinansyal para sa malawakang paggalugad pagpapaunlad at paggamit ng mga mineral petrolyo at iba pang mga langis mineral alinsunod sa mga pangkalahatang termino at mga kondisyon na itinatadhana ng batas batay sa mga tunay na ambag sa pagsulong na pangkabuhayan at sa kagalingang panlahat ng bansa sa gayong mga kasunduan dapat itaguyod ng estado ang pagpapaunlad at paggamit sa mga lokal na batis syentipiko at teknikal dapat ipagbigay alam ng pangulo sa kongreso ang bawat kontratang pinakipagkayarian alinsunod satadhanang ito sa loob ng talumpong araw mula sa pagkakapagsagawa nito
seksiyon 3 ang mga lupaing ari ng bayan ay inuuri na pansakahan kagubatan o kakahuyan lupaing mineral at mga pambansang parke ang mga lupaing pansakahan na ari ng bayan ay maaaring uriin pa sa pamamagitan ng batas alinsunod sa mga paggagamitan nito dapat limitahan sa mga lupaing pansakahan ang malilipat na mga lupaing ari ng bayan hindi maaaring humahak ang alinmang pribadong korporasyon o asosasyon ng mga lupaing malilipat na ari ng bayan maliban sa pamamagitan ng lease sa taning na panahong hindi hihigit sa dalawamput limang taon na mapaninibago sa hindi hihigit sa dalawamput limang taon at hindi lalabis sa isang libong ektaryang sukat ang mga mamamayan ng pilipinas ay maaaring mag lease nang hindi lalabis sa limang daang ektarya o magtamo sa pamamagitan ng pagbili homested o kaloob nang hindi lalabis sa labindalawang ektarya niyon (donated)(bawal lease sa pilipino o benta dapat nakapag asawa ng foreigner). dapat itakda ng kongreso sa pagsasa alang alang sa mga pangangailangan ekolodyi at pagpapaunlad at alinsunod sa mga hinihingi ng repormang pansakahan sa pamamagitan ng batas ang sukat ng mga lupaing ari ng bayan na maaaring tamuhin paunlarin hawakan o paupahan at ang mga kondisyon niyon
seksiyon 4 dapat magtakda ang kongreso sa pamamagitan ng batas sa lalong madaling panahon ng mga tiyak na saklaw ng mga lupaing kagubatan at mga pambansang parke na malinaw na magtatakda ng kanilang mga hangganan sa lupa pagkatapos noon ang gayong lupaing kagubatan at mga pambansang parke ay dapat ikonserba at hindi maaaring dagdagan ni bawasan maliban sa pamamagitan ng batas dapat magtakda ang kongreso para sa panahong maaaring ipasya nito ng mga batas na magbabawal ng pagtotroso sa mga nanganganib na kagubatan at mga sakop ng watershed
seksiyon 5 dapat pangalagaan ng estado batay sa mga tadhana ng konstitusyong ito at sa mga patakaran at mga programa sa pagpapaunlad ng bansa ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa kanilang mga minanang lupain upang matiyak ang kanilang kailangang ekonomiko panlipunan at pangkultura maaaring magtakda ang kongreso para sa pagpapairal ng mga nakaugaliang batas hinggil sa mga karapatan o mga ugnayan sa ari arian sa pagtiyak sa pagmamay ari at saklaw ng minanag lupain
seksiyon 6 ang paggamit ng ari arian ay may nauukol na tungkuling sosyal at lahat ng mga kinatawang pangkabuhayan ay dapat mag ambag sa kabutihang panlahat dapat magkaroon ng karapatan ang mga indibidwal at mga pribadong pangkat kabilang ang mga korporasyon mga kooperatiba at mga katularing lansakang organisayon na mag may ari magtatag at magpalakad ng mga negosyong pangkabuhayan sa saklaw ng tungkulin ng estado na itaguyod ang marapat na katarungan at maghimasok kapag hinihingi ng kabutihang panlahat
seksiyon 7 hindi dapat malipat o masalin ang anomang pribadong lupain maliban sa pagmamana at sa mga tao mga korporasyon o mga asosasyon na may karapatang magtamo o maghawak ng mga lupaing ari ng bayan
seksiyon 8 sa kabila ng mga tadhana ng seksiyon 7 ng artikulong ito ang isang katutubong inaanak na mamamayan ng pilipinas na mawalan ng pagkamamamayang pilipino ay maaaring paglipatan ng mga lupaing pribado batay sa mga katakdaang itinadhana ng batas
seksiyon 9 maaring magtatag ang kongreso ng isang malayang sangay sa ekonomiya at pagpaplano na pamumunuan ng pangulo sa dapat magtagubilin sa kongreso matapos makipagsanggunian sa angkop na mga sangay pambayan sa ibat ibang pribadong sektor at sa mga yunit ng pamahalaang lokal at magsakatuparan ng patuluyan pinag isa at magkakaugnay na mga programa at patakaran para sa pagpapaunlad ng bansa hanggat ang kongreso ay hindi nagtatakda ng naiiba dapat manungkulan ang pambansang pangasiwaan sa ekonomiya at pagpapaunlad bilang malayang sangay sa pagpaplano ng pamahalaan "NEDA"
seksiyon 10 sa tagubilinng sangay sa ekonomiya at pagpaplano dapat ilaan ng kongreso sa mga mamayan ng pilipinas o sa mga korporasyon o sa mga asosasyon na ang animnapung porsiyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamamyan o ang mas mataas na porsiyento na maaaring itakda ng kongreso ang ilang mga larangan ng pamumuhunan kailanman at ganito ang inaaatas ng pambansang kapakanan dapat magsabatas ang kongreso ng mga hakbanging magpapasigla sa pagbubuio at pagpapalakad ng mga negosyo na ang puhunan ay aring ganap ng mga pilipino sapagkakaloob ng mga karapatan mga pribilehiyo at mga konsesyon na sumasaklaw sa pambansang ekonomiya at patrimonyo dapat unahin ng estado ang mga kwalipikadong pilipino dapat regulahin at gamitin ng estado ang awtoridad nito sa mga puhunang dayuhan na saklaw ng pambansang hurisdiksyon nito at ng naalinsunod sa mga pambansang tunguhin at prayoriti nito
seksiyon 11 hindi dapat ipagkaloob ang anomang prangkisa sertipiko o iba pang anyo ng pahintulot sa pagpapalakad ng kagamitang pambayan maliban sa mga mamamayan ng pilipinas o sa mga korporasyon o mga asosasyon itinatag sa ilalim ng mga batas ng pilipinas na ang animnapung porsiyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan na hindi dapat na ang prangkisa sertipiko o pahintulot ay tanging tangi sa uri o hihigit pa salimampung taon ang tatagal ni hindi dapat ipagkaloob ang gayong prangkisa o karapatan maliban sa kondisyon na ito ay dapat sumailalim ng pagsususog pagbabago o pagpapawalang saysay ng kongreso kapag kinakailangan ng kabutihang panlahat dapat pasiglahin ng estado ang tanan na makilahok sa pamumuhunan sa mga kagamitang pambayan ang palahok ng mga mamumuhunang dayuhan sa mga pamatnugutan sa anomang kalakalan sa kagamitang pambayan ay dapat matakda sa kanilang katumbas na sapi sa puhunan niyon at ang lahat ng mga pinunong tagapagpaganap at tagapamahala ng gayong mga korporasyon o asosasyon ay kinakailangang mga mamamayan ng pilipinas
seksiyon 12 dapat magtaguyod ang estado ng makiling na paggamit ng paggawang pilipino domestikong materyales at mga kalakal na yaring lokal at dapat magpatibay ng mga hakbangin upang makalaban sa kompetensiya ang mga ito
seksiyon 13 dapat magtguyod ang estado ng patakarang pangkalakalan na mauukol sa kagalingang panlahat at magsasagamit sa lahat ng mga anyo at ayos na palitan na nasasalig sa pagkakapantay pantay at pagtutumbasan
seksiyon 14 dapat magtaguyod ang estado ng patuluyang pagpapaunlad ng isang pambansang pagpipisan ng talino sa mga pilipinong sayantis mga mamumuhunan mga prpesyunal mga manedyer mataas na kaantasan ng laang bisig na teknikal at ang mga bihasang manggagawa at mga artisan sa lahat ng mga larangan .PRC. dapat magtaguyod ang estado ng angkop na teknolohiya at magregula ng paglilipat ng teknolohiya para sa kapakinabangan ng bansa dapat ilaan lamang sa mga mamamayang pilipino ang pagpraktis ng lahat ng mga propesyon sa pilipinas matangi sa mga kalagayang itatakda ng batas
seksiyon 15 dapat lumikha ang kongreso ng isang sangay na magtataguyod sa pag iral at pagsulong ng mga kooperatiba bilang mga kasangkapan para sa katarungang panlipunan at kaunlarang pangkabuhayan "poultry"
seksiyon 16 hindi dapat magtadhana ang kongreso maliban sa pamamagitan ng pangkalahatang batas ukol sa pagbubuo pagtatatag o pagreregula sa mga pribadong korporasyon maaaring lumikha o magtatag ng mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga tanging karta para sa kabutihan ng lahat ng nasasalalay sa pagsubok sa pagiging kapaki pakinabang nito
seksiyon 17 ang estado sa panahon ng pambansang kagipitan kapag kinakailangan ng kapakanang pambayan ay maaaring pansamantalang mangasiwa o mamatnugot sa pagpapalakad ng anomang pambayang yutiliti na aring pribado o negosyong kinapapalooban ng kapakanang pambayan habang umiiral ang kagipitang pambayan at sa ilalim ng makatwirang mga katakdaang itatagubilin nito ;'calamity fund" income tax return;Finance=perlas
seksiyon 18 ang estado sa kapakanan ng pambansang kagalingan o pagtatanggol ay maaaring magtatag at magpalakad ng mga napakahalagang industriya at pagkapagbayad ng wastong kabayaran maaaring ilipat nito sa pagmamay ariang pambayan ang mga yutiliti at iba pang mga pribadong negosyo na palalakarin ng pamahalaan
seksiyon 19 dapat regulahin o ipagbawal ng estado ang mga monopoli kapag kinakailangan ng kapakanang pambayan hindi dapat payagan ang mga kombinasyong sumusupil sa kalakalan o ang marayang kompetensiya
seksiyon 20 dapat magtatag ang kongreso ng isang malayang punong pangasiwaan sa pananalapi na ang mga kagawad ng namumunong kapulunan ay kinakailangan mga katutubong inaanak na mamamayang pilipino na kilala sa pagkamatapat pagkamangaral at pagkamakabayan at ang nakararami sa kanila ay dapat magmula sa pribadong sektor silaay dapat ding sumailalim sa iba pang mga kwalipikasyon at dis ability na maaaring itakda ng batas dapat magtakda ang pangasiwaan ng patnubay na patakaran sa mga larangan na may kinalaman sa salapi pagbabangko at kredito dapat magkaroon ito ng superbisyon sa pamamalakad ng mga bangko at gampanan ang mga kapangyarihan sa pagregula nang ayon sa maaaring itadhana ng batas sa pamamalakad ng mga kompanya sa pananalapi at sa iba pang mga institusyong gumaganap ng katularing mga gawain hanggat hindi nagtatakda ng naiiba ang kongreso ang bangko sentral ng pilipinas sa pagpapalakad sa ilalim ng umiiral na mga batas ay ganap bilang punung pangasiwaan sa pananalapi"monitary board"
seksiyon 21 maari lamang makautang sa ibang bansa nang naalinsunod sa batas sa sa alituntunin ng pangasiwaan sa pananalapi dapat maging handa sa pagbibigay sa taong bayan ng impormasyon hinggil sa mga utang sa ibang bansa na nakuha o ginarantiyahan ng pamahalaan "stockexchange dapat'
seksiyon 22 ang mga kagagawan na lumilihis o nagpapawalang saysay sa alinmang tadhana ng artikulong ito ay dapat ituring na di naaangkop sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng mga parusang sibil at kriminal ayon sa maaaring itakda ng batas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento